^

PSN Showbiz

Magkabalikan kaya sina Dina at Vic ?

-
Posible bang magkabalikan pa sa tunay na buhay sina Vic Sotto at Dina Bonnevie? Marami ang nagtatanong sa ganyang posibilidad.

Sabi kasi nila, kahit na sabihin pang ang dalawa ay nagkaroon ng kanya-kanyang buhay sa nakaraang panahon, naroroon pa rin naman ang indikasyon na maaari pa silang magkasundo.

Sa panahon ng kanilang pagkakahiwalay, kahit na sabihing nakakuha na nga sila ng annulment ng kanilang kasal at malaya na silang mag-asawa sa iba, hindi pa rin nagpakasal si Vic Sotto sa iba.

Si Dina naman, kahit na sabihin mong sumubok na magpakasal na muli sa iba ay hindi naman nagkaroon ng ibang mga anak. Dalawa ang anak niya at parehong si Vic ang tatay ng mga iyon.

Kaya nga sinasabing kung titingnan mo ang mga indikasyon, naroroon pa rin ang posibilidad na magkabalikan silang dalawa. Bukod doon, kailangan nating tanggapin ang katotohanan na malakas din naman ang impluwensiya ng mga bata, at hindi kaya mas gugustuhin ng dalawa nilang anak na muling mabuo ang kanilang pamilya?

Maski na sa mga pag-aaral na ginawa ng mga psychologists sa US, sinasabi nila na maraming pagkakataon nang ang mag-asawang nakakuha ng annulment, o divorce ay nagkakabalikan din pagdating ng araw, lalo pa nga naroroon ang indikasyon na may pagtingin pa rin sila sa isa’t isa, at maaaring natangay lamang ng emosyon noong magdesisyon silang maghiwalay, lalo pa nga kung may mga anak sila.

Marami ang nakapansin sa panahon ng shooting ng Bakit Ba Ganyan Darling at kahit na sa panahon ng promo ng pelikula, kung kailan laging magkasama sina Vic at Dina na naroroon pa rin ang posibilidad na sila ay magkasundo. May mga pagkakataon daw na hindi maitago ng dalawa lalo na noong panahon ng kanilang shooting na sweet pa rin sila sa isa’t isa.

Kaya nga may mga nagsasabing posible pa ring magkabalikan ang dalawa.

vuukle comment

BAKIT BA GANYAN DARLING

DINA BONNEVIE

KAYA

MARAMI

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with