May favorite suitor ang madir ng popular actress
November 12, 2000 | 12:00am
Ayon sa aking source ay may nanliligaw pa rin sa sikat na aktres kahit may pakakasalan na ito. Palibhasa kasi’y napakaganda at mabait pa ang aktres at nang may isang non-showbiz na nakakita sa kanya ay na-in love agad ito. Galante at guwapo ang binata na isang foreigner na mabait din.
Kaya ngayon, balitang mas pabor ang madir ng sikat na aktres sa bagong nagkakagustong binata sa kanyang anak hindi dahil sa kayamanan nito kundi dahil sa magagandang katangian nito.
Napanood ko si Gerald Madrid sa Kasangga bilang kontrabida na gumahasa at pumatay sa isang batang babae. Ayon sa mga previous interview sa aktor natsa-challenge siya sa pagganap sa ganitong uri ng papel na gagampanan. Sawa na raw siya sa mga boy-next-door role.
Mula nang mabalitang isa siyang binatang-ama ay naging matamlay na ang kanyang career. Hindi naman nagsisisi si Gerald kung matuklasang may anak na siya. Kaya minabuti niya na tumanggap na ng character role kaysa naman mabakante nang tuluyan sa paggawa ng pelikula.
May potensyal sa akting ang aktor at ang pag-aartista lang ang source nito para may pagkakitaan naman alang-alang sa pamilya.
Hinangaan nang husto si Piolo Pascual sa pelikulang Lagarista dahil sa galing niya sa pag-arte.
Muli niyang ipamamalas ang kakayahan sa drama sa Kahit Isang Saglit ng Star Cinema.
Natutuwa ang aktor dahil sa malaking pagpapahalagang inuukol sa kanya ng kumpanya.
Sa katunayan ay ibinibi-build-up nila siyang the next Christopher de Leon.
Tiyak na masaya ang ambiance sa Seiko office dahil kumita sa takilya sa opening day ang Arayyy at sa mga kasunod pang mga araw.
Ito’y magandang senyales na nagbabalik na ang sigla ng ating industriya basta’t maganda ang pelikula at may kabuluhan ito para tangkilikin ng mga manonood.
Bukod sa mga nakakakiliting eksena nina Nini Jacinto at Ana Capri with their leading men na sina Rodel Velayo at Leonardo Litton ay may maganda pa ring mensahe ang movie.
Ito’y mula sa iskrip ni Jose Javier Reyes at sa direksyon ng magaling na si Don Escudero.
Natutuwa si Simon Ibarra sa magandang break na ipinagkaloob sa kanya ni Robbie Tan. Maganda ang papel na ginampanan niya sa Arayyy! bilang bank executive na nagkagusto kay Nini Jacinto. Sa pelikula’y na-in love siya sa estudyanteng prosti na ginampanan ng aktres.
In-demand ngayon ang alagang ito ni Vera Esberto dahil may ibubuga rin sa akting.
Kaya ngayon, balitang mas pabor ang madir ng sikat na aktres sa bagong nagkakagustong binata sa kanyang anak hindi dahil sa kayamanan nito kundi dahil sa magagandang katangian nito.
Mula nang mabalitang isa siyang binatang-ama ay naging matamlay na ang kanyang career. Hindi naman nagsisisi si Gerald kung matuklasang may anak na siya. Kaya minabuti niya na tumanggap na ng character role kaysa naman mabakante nang tuluyan sa paggawa ng pelikula.
May potensyal sa akting ang aktor at ang pag-aartista lang ang source nito para may pagkakitaan naman alang-alang sa pamilya.
Muli niyang ipamamalas ang kakayahan sa drama sa Kahit Isang Saglit ng Star Cinema.
Natutuwa ang aktor dahil sa malaking pagpapahalagang inuukol sa kanya ng kumpanya.
Sa katunayan ay ibinibi-build-up nila siyang the next Christopher de Leon.
Ito’y magandang senyales na nagbabalik na ang sigla ng ating industriya basta’t maganda ang pelikula at may kabuluhan ito para tangkilikin ng mga manonood.
Bukod sa mga nakakakiliting eksena nina Nini Jacinto at Ana Capri with their leading men na sina Rodel Velayo at Leonardo Litton ay may maganda pa ring mensahe ang movie.
Ito’y mula sa iskrip ni Jose Javier Reyes at sa direksyon ng magaling na si Don Escudero.
In-demand ngayon ang alagang ito ni Vera Esberto dahil may ibubuga rin sa akting.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended