^

PSN Showbiz

Mylene Dizon, bagong bold star

-
Ang pelikulang Gatas: Sa Dibdib ng Kaaway ng Crown Seven Ventures will establish ABS-CBN Talent Center’s artist, Mylene Dizon as the newest bold star. Ngayon pa lamang nakakaramdam na ang aktres ng takot sa mga nababasa niya tungkol sa kanya.

Lalo na sa bagong bansag sa kanya na "bold star". Lumabas na ang konsentrasyon ng publicity niya para sa pelikula ay nakatuon sa kontrobersyal na eksenang ginawa sa pelikula.

Bagaman at nagsisimula pa lamang ang publicity na lumalabas para sa pelilkula, damang-dama na niya ang impact nito sa kanyang image na talagang patungo na sa pagiging bold star.

Ang eksenang tinutukoy ay ang pagpapakita niya ng kanyang malusog na dibdib sa pamamagitan ng pagpapadede ng sanggol sa harap ng kamera. Mayro’n pa rin silang maiinit na eksena ni Jomari Yllana at isa pang Japanese actor.

Bihira sa mga kabataang artista na nasa kategorya ni Mylene ang papayag sa ganung eksena. Napaka-wholesome ng kanyang image. At bata pa siya para sa gano’ng role.

Pero, inamin ni Mylene na hindi siya nahirapang magpasya na tanggapin ang role. Binasa muna niya ang script bago sila nag-usap ni direktor Gil Portes. Wala na siyang kinunsulta pang ibang tao. Na in love agad siya sa role.
*****
Limang awards ang nakuha ng Universal Records sa katatapos na Awit Awards 2000. Isa rito ay ang major award na Best Produced Record of the Year para sa "Kasalanan Ko Ba" na inawit ng Neocolors, isang komposisyon ni Jimmy Antiporda.

Ang Best Alternative Recording ay nakuha ng Parokya ni Edgar para sa awiting "Inuman Na". Nabigyan ang APO ng Best Novelty Recording para sa "Telephone Pal", isang komposisyon ni Danny Javier at prodyus ni Jim Paredes.

Ang Best Performance by Child Recording Artist award was won by Gary V.’s daughter, Kiana Valenciano, para sa "Once Again It’s Christmas." Pitong taong gulang lamang si Kiana. Ang kanyang awitin ay nanalo rin ng Best Christmas Recording. Si Gary V and composer at producer nito.
*****
Naglakad ako ng napakalayo, kahapon, Sabado. Kung hindi baka mahigit sa apat na oras akong inabot bago makarating ng aking opisina sa Port Area. Namaltos ang paa ko. Gusto kong magalit until I realized it was a Day For Prayer and Fasting. Lahat ng tao ay patungong Luneta at habang nasa daan nakita ko na kung ano ang dahilan ng mahigpit na trapiko. Maraming mga bus at iba’t ibang sasakyan ang nakaparada sa mga kalsada. As far as España hanggang dun mismo sa paligid ng Rizal Park.

Sabi sa dyaryo, mga mahigit sa isang milyon lamang ang expected pero, lumagpas pa siguro ito. I’m sure ang mga kalaban ni ERAP ay namimilipit sa inis sa kanilang kinauupuan. Ano kaya ang susunod nilang gagawin? Kung ako sa kanila, hihintayin ko na lang na matapos ang impeachment proceedings. Kung mapatunayan siyang may sala saka siya parusahan. Kahit ikulong pa.

Bakit ba nagmamadali ang kanyang mga kalaban? Sa kanilang pagmamadali ay may mga nasasagasaan sila. Sa halip na makakuha sila ng simpatya ng tao, marami ang nagagalit sa kanila. Nakikita ang mga motibo nila which is mostly political. Hindi ngayon ang panahon ng pamumulitika. Dahil sa pulitika ay nagkakawatak-watak tayo. Marami ang gumagawa ng masama. Nararapat silang parusahan. Pero, huwag pangunahan ang batas. Sabi nga nun ni Kristo, kung sino ang walang bahid dungis, siyang magpukol ng unang bato.

AWIT AWARDS

BEST ALTERNATIVE RECORDING

BEST CHRISTMAS RECORDING

BEST NOVELTY RECORDING

GARY V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with