^

PSN Showbiz

Bastos na pelikula

-
Ano ang masasabi ko sa Scary Movies na idinirek ni Keenan Ivory Wayans, isang black American comic talent, na kung susuriin mo ang pelikula ay may mga komentaryo na rin sa mga nangyayaring social at cultural changes sa America. Ang Scary Movie ay nakakatuwa, nakakatakot, punumpuno ng kabaliktaran ng buhay at higit sa lahat, kabastusan na hindi aakalaing mapapanood mo sa screen. Pero ang kahanga-hanga nga sa Scary Movies, bastos nga pero hindi malaswa dahil siguro ang kabastusan ay nababalutan ng katatawanan na hindi mo sukat akalain.
Sex practices
Lahat yata ng bagay na taliwas sa conventional sex ay tinatalakay sa pelikulang ito – oral sex, sexual fetish, anal sex, group sex, mechanical sex, kabaklaan, voyeurism, lahat-lahat na at ang bawat character ay may kanya-kanyang komentaryo tungkol sa mga sex practice na ito. Bagama’t maraming suggestive scenes at dialog na bastos. Hagalpakan ng tawa ang mga audience pero yung iba tulad ko siguro medyo alalay lang ang tawa sa mga dialog at baka akalain ng mga katabi ko na na-experience ko na ang mga pinagsasasabi sa pelikula gayong sa totoo lang karamihan sa mga sinasabi ay nababasa ko lang sa Cosmo magazine na punumpuno ng kung anu-anong articles tungkol sa sex.
Parang nangyari sa gobyerno
Sa unang tingin parang walang kabuluhan at continuity ang istorya pero kung pag-aaralan mo ang mga pangyayari, seryoso ang tinutumbok na komentaryo. Gaya nitong sample number one: Ang anim na kabataang nasangkot sa isang di sinasadyang pangyayari na nauwi sa trahedya ay hindi naman ganoon ka-grabe ang kahihinatnan kung hindi sila parang nag-hysteria at kung nag-isip at tumahimik muna sila sandali. Ang akala nila ay napatay nila ang nabundol nilang isang tao sa gabi ng kanilang car riding. Dahil inisip nila agad ang kanilang sarili, hindi na nila inintindi ang biktima na hindi naman pala patay pero ipinalagay na lang nilang patay. Dahil sa kanilang katatalak at pag-iingay, hindi na nila sinuri ang sitwasyon para maagapan ang trahedya. Nag-assume agad sila sa may trahedya. At itinapon nila ang kanilang biktima na medyo buhay pa, sa ilog. Hindi ba comparable ang sitwasyong ito sa mga nangyayari ngayon sa ating gobyerno?

Sample number two: Ang isa sa anim na sangkot sa krimen ay hindi napigilang idaldal ang trahedya sa kanyang kapatid na retarded na miyembro ng campus police force at inakala nitong hindi paniniwalaan ang isang retarded ng sinumang matinong tao. Eh may isang broadcaster ang pumatol sa retarded na ito upang makakuha ng scoop tungkol sa mga patayang nagaganap sa campus. Ang retarded na ito ngayon ang siyang gumagawa ng mga krimen para may mai-report na scoop ang kanyang girlfriend na broadcaster. O hindi ba iyon comparable sa mga akusasyon sa mga media practitioners na sila mismo ang gumagawa ng kanilang scoop para sumikat.
Maraming movies sa isang pelikula
Ang Scary Movies ay punumpuno rin ng reference tungkol sa mga nakaraang successful Hollywood movies noong isang taon gaya ng Sixth Sense, The Matrix, Scream, I Know What You Did Last Summer, mga pelikula ni Jackie Chan at Jet Li, Blair Witch Project, Urban Legends, American Pie at parang may What Lies Beneath at Crouching Tiger, Hidden Dragon pa ang ibang eksena. Mga unknown (dito sa Pilipinas) ang mga actors dito sa pelikulang Scary Movies. Mas enjoy ka siyempre kung napanood mo ang mga pelikulang nabanggit dahil para nang ini-ispup (spoof) ng Scary Movies ang lahat ng mga pelikulang ito but in a rather original manner.

AMERICAN PIE

BLAIR WITCH PROJECT

CROUCHING TIGER

DAHIL

I KNOW WHAT YOU DID LAST SUMMER

SCARY MOVIES

SEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with