College graduate at dating flight stewardess ang bagong gold star
November 10, 2000 | 12:00am
Anong magic mayro’n ang pelikula at pati na ang isang nakatapos ng kolehiyo at may magandang trabaho ay naakit pang pumasok dito?
Gaya ni Stella L., hindi ang madre na minsan ay ginampanan ni Vilma Santos sa isang pelikula, kundi ang 24-taong gulang na Hotel and Restaurant Management graduate ng PWU, na kasama at lumalaban ng paseksihan kina Ana Capri at Via Veloso sa isang pelikula ng Starlight Films na pinamagatang Ang Gusto Ko Sa Lalaki. At para makaungos sa mga kasama, naghubo’t hubad siya sa movie.
"Introducing ako sa movie kaya I have to make an effort para ako mapansin eh, hindi ako maka-emote dahil madaling araw nang kunan ang eksena. Ang lamig-lamig. Dapat kukunan ako na umaahon galing sa dagat. Tapos, magkakaro’n kami ng lovescene ni Martin Gonzalo. Nagalit si Direk kaya kinapalan ko na ang mukha ko para matapos ang eksena," sabi niya.
August lang pormal na nakakita ng mag-aalaga sa kanyang career si Stella L. at, naging abala na siya agad, nagkasunud-sunod ang assignments.
"Nasabak agad ako sa maraming trabaho. Okey lang dahil ito naman talaga ang hanap ko. Mabait ang manager ko, hindi nakikialam sa personal na buhay ko at talagang inihahanap kami ng magagandang assignments.
"Actually, sa Viva Films ako nagsimula. At the time, hindi pa ako handa na magpa-sexy, kaya walang nangyari sa akin. Sa Starlight Films, I am treated like a part of the family. Ibinibili nila ako ng gamit ko at pinapag-workshop ako. Pinapayagan din nila kaming gumimik na mga talents nila provided kasama namin ang manager namin."
Now, do you still wonder kung bakit hindi nami-miss ni Stella L. ang dating trabaho niya?
Sa kabila ng pangyayaring may ilang mga pelikulang lokal na nakakalusot sa takilya, hindi mapasusubalian na ang sumasalba sa tuluyang pagkamatay ng industriya ng pelikula ay ang mga bold movies. Maski na sa panahong ito na napakababa ng ating ekonomiya, nakakapagtabi pa ang marami sa ating mga kalalakihan ng perang pampanood ng sine. Maliwanag na patunay ang patuloy na pagpo-prodyus ng mga bold movies. Sino ba namang kapitalista ang papayag na maglabas ng pera kung hindi ito tutubo. Lalo na ang mga Intsik na masyadong tuso sa negosyo. Alalahanin natin na marami sa ating mga movie producers ay mga Intsik.
Kaya patuloy ang pagdating ng mga bagong mukha, mga kabataang babae who’d like to make a fast buck sa pamamagitan ng paglabas sa mga bold movies. Eh ano, kung galing sila ng club. Ang mahalaga, ay naibibigay nila ang hinihingi ng mga manonood. And we have to consider na maski na yung mga may pinag-aralan ay nahahalina na ring mag-bold. It isn’t only because of the money, maybe more so the fame.
Nakabalik na raw si Charlene Gonzales.
She came home ahead of her boyfriend Aga Muhlach.
Balitang nagkita sa abroad ang dalawa bagaman at hindi sila nagkasama sa show. Magkahiwalay ang kanilang lakad.
Ngayong naririto na silang muli, asahang iinit muli ang balita tungkol sa kanilang dalawa.
Nabinbin ito nang sabay silang mawala pero, sa panahong ito na walang kabali-balita sa showbiz, asahang muli silang puputaktihin ng mga reporters.
Hindi ordinaryong sex flick ang Laro sa Baga dahil isang panulat ito ni Edgardo Reyes at direksyon ni Chito Roño.
Oo nga’t tampok dito ang sex goddess na si Ara Mina, pero ang inilulunsad sa pelikula ay ang baguhang si Carlos Morales, isang Fil-American na pumasa sa audition ng ibinigay ng Regal Films.
Matagal nang tapos ang pelikula pero ngayon lamang inakala ni Mother Lily na tama ang panahon para sa pagpapalabas nito.
Kasama pa rin sa movie sina Monique Wilson at Angel Aquino.
Gaya ni Stella L., hindi ang madre na minsan ay ginampanan ni Vilma Santos sa isang pelikula, kundi ang 24-taong gulang na Hotel and Restaurant Management graduate ng PWU, na kasama at lumalaban ng paseksihan kina Ana Capri at Via Veloso sa isang pelikula ng Starlight Films na pinamagatang Ang Gusto Ko Sa Lalaki. At para makaungos sa mga kasama, naghubo’t hubad siya sa movie.
"Introducing ako sa movie kaya I have to make an effort para ako mapansin eh, hindi ako maka-emote dahil madaling araw nang kunan ang eksena. Ang lamig-lamig. Dapat kukunan ako na umaahon galing sa dagat. Tapos, magkakaro’n kami ng lovescene ni Martin Gonzalo. Nagalit si Direk kaya kinapalan ko na ang mukha ko para matapos ang eksena," sabi niya.
August lang pormal na nakakita ng mag-aalaga sa kanyang career si Stella L. at, naging abala na siya agad, nagkasunud-sunod ang assignments.
"Nasabak agad ako sa maraming trabaho. Okey lang dahil ito naman talaga ang hanap ko. Mabait ang manager ko, hindi nakikialam sa personal na buhay ko at talagang inihahanap kami ng magagandang assignments.
"Actually, sa Viva Films ako nagsimula. At the time, hindi pa ako handa na magpa-sexy, kaya walang nangyari sa akin. Sa Starlight Films, I am treated like a part of the family. Ibinibili nila ako ng gamit ko at pinapag-workshop ako. Pinapayagan din nila kaming gumimik na mga talents nila provided kasama namin ang manager namin."
Now, do you still wonder kung bakit hindi nami-miss ni Stella L. ang dating trabaho niya?
Kaya patuloy ang pagdating ng mga bagong mukha, mga kabataang babae who’d like to make a fast buck sa pamamagitan ng paglabas sa mga bold movies. Eh ano, kung galing sila ng club. Ang mahalaga, ay naibibigay nila ang hinihingi ng mga manonood. And we have to consider na maski na yung mga may pinag-aralan ay nahahalina na ring mag-bold. It isn’t only because of the money, maybe more so the fame.
She came home ahead of her boyfriend Aga Muhlach.
Balitang nagkita sa abroad ang dalawa bagaman at hindi sila nagkasama sa show. Magkahiwalay ang kanilang lakad.
Ngayong naririto na silang muli, asahang iinit muli ang balita tungkol sa kanilang dalawa.
Nabinbin ito nang sabay silang mawala pero, sa panahong ito na walang kabali-balita sa showbiz, asahang muli silang puputaktihin ng mga reporters.
Oo nga’t tampok dito ang sex goddess na si Ara Mina, pero ang inilulunsad sa pelikula ay ang baguhang si Carlos Morales, isang Fil-American na pumasa sa audition ng ibinigay ng Regal Films.
Matagal nang tapos ang pelikula pero ngayon lamang inakala ni Mother Lily na tama ang panahon para sa pagpapalabas nito.
Kasama pa rin sa movie sina Monique Wilson at Angel Aquino.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended