^

PSN Showbiz

Pops, ni-reinvent ang sarili

-
Hindi bold ang role ni Pops Fernandez sa Gusto Ko Nang Lumigaya. Sexy pero hindi puwedeng i-consider na bold siya dahil si Patricia Javier ang nag-provide ng boldness sa pelikula as in grabe ang ginawa ni Patricia rito.

Magaling si Pops dito. And no doubt about it. Hindi nga lang puwedeng panoorin ng dalawang anak niya - Robin & Ram. At kung si Martin Nieverra ang manonood, tiyak na panghihinayangan niya ang kinahinatnan ng marriage nila.

Maraming flashback ang pelikula na hindi na-appreciate ng ilang press na nanood sa press preview last Monday night sa Viva preview room. Pero base sa naabutan ko, ganoon ang kosepto ng pelikula na sinag-ayunan ng line producer nitong si June Rufino.

Bukod sa magaling, maganda si Pops sa pelikula. Siya rin lang ang puwedeng mag-portray ng character ni Kristine rito. Isang guidance counselor sa isang university na asawa ni Albert Martinez & a devoted friend to Bojo Molina.

Seloso si Albert kaya nag-hire ito ng magi-spy sa kanya, si Diether Ocampo na later on ay naging confidant niya na tumulong din para makahiwalay siya (Pops) sa asawang si Albert na isa palang bading.

Nakakainis ang character dito ni Albert. Maiinis ka sa kanya lalo na sa may ending nang ipapatay niya ang character ni Patricia Javier na front niya everytime na gusto niyang manlalaki.

Hindi alam ni Pops ang ginagawa ni Albert at wala siyang idea na bading pala ang asawa niya na sobrang seloso. Sa bandang huli ng pelikula niya (Pops) na lang na-discover na bading ito at lahat ng mga taong nakakaalam ng kanyang lihim ay ipinapatay niya. Si Bojo, si Patricia, si Anton Bernardo, si Allyson VII, lahat sila ay ipinapatay ni Albert.

Glossy ang pagkakagawa ng pelikula. Tama si direk Maryo J. delos Reyes na different si Pops sa pelikulang ito at nagawa niyang i-reinvent ang kanyang sarili. "This is the second time that I have worked with her (Linlang), at masasabi kong lagi niya akong sinosorpresa. Siya ‘yung tipo ng artista na hindi lang blocking ang iniisip, camera placement, cinematography, but also guides each and every actor. At talagang kaya niyang baguhin ang sarili niya sa lahat ng bagay," mahabang sabi ni direk delos Reyes sa mga previous interviews.

Sana nga, kumita ang pelikulang ito dahil bibihira lang gumawa ng pelikula si Pops.

Ayon naman sa ilang observer, sana naman pagkatapos ng pelikulang ito, mapanood naman natin si Pops sa isang seryosong pelikula na magbibigay sa kanya ng karangalan at kikilala sa kanyang pagiging tunay na aktres. Tulad halimbawa ng Madrasta ni Sharon Cuneta.

Anyway, successful ang ginanap na premiere night ng Gusto Ko Nang Lumigaya sa SM Megamall last Tuesday night.

Halos isang dekada ang pinalipas ni Pops bago siya nagbalik pelikula via Linlang with Joyce Jimenez and Richard Gomez.

Pawang sexy ang promo slant ng last two movies niya. Kaya nga medyo disappointed si Pops sa ilang writers na nagsusulat na grabe ang ginawa niya Gusto Ko Nang Lumigaya.

At any rate, kasalukuyang nang mapapanood ang pelikula sa Metro Manila theaters.
* * *
Very usual ang pregnancy ni Cecille Gumban Tamura nang ipinagbubuntis niya ang anak na si Cy. Pero nang lumabas ang bata ay kakaibang talino ang taglay nito. Hindi rin siya (Cecille) nakikinig ng classical music or read stories habang nasa sinapupunan niya si Cy. Isang buwan lang din siya nagpa-breast feed. After one month month ay balik trabaho siya - nine-to-five work.

Sa yaya naiiwan si Cy habang nagtatrabaho silang mag-asawa. Hindi rin naman well-educated ang Ilonggang yaya ng bata dahil grade four lang ang inabot nito sa eskuwela.

Siyam na buwan si Cy nang ma-realize niyang gifted child si Cy. Sa murang edad ay mahilig na itong manood ng TV nang matagal na hindi pangkaraniwan sa bata sa ganoong edad. Hindi basta cartoons ang pinapanood ni Cy kundi mga documentaries.

Habang lumalaki ang bata, marami na itong tanong na hindi nila inaasahan sa murang edad. Hanggang mag-desisyon ang mag-asawa na dalhin sa phsychologist si Cy at nagsabing genius ang kanilang anak. Lahat ng suporta ay ibinigay nila sa bata. Lahat ng tinatanong nito at sinubukan nilang sagutin ng tama.

Nang lumaki-laki si Cy ay mahilig na itong magbasa ng libro at gumamit ng computer.

Maraming gifted child tulad ni Cy sa bansa pero hindi nabibigyan ng sapat na suporta ang ilan. At masuwerte si Cy dahil may kakayahan ang magulang niyang suportahan ang kanyang kakaibang katalinuhan.

Sa kasalukuyan, si Cy ay nag-aaral sa International Motessori. Pero hindi pabor si Cecille na ma-acclerate si Cy dahil naniniwala pa rin siya na kailangang pagdaanan ng bata ang lahat ng grado sa elementary.

Hindi na stranger ang pangalan ni Cy sa larangalan ng showbiz dahil siya ang pinaka-youngest nag nagsulat, nag-composed at gumanap sa isang 90-minute three part operetta entitled "The Magic Staff" na napanood last year. Nakasama niya sina Monique Wilson, Fides Cuyugan, Bernardo Bernardo at marami pang iba.

At sa November 25, magkakaroon siya ng exhibit in visual and conceptual art sa Museo Pambata.

Dahil sa kanyang kakaibang talino, sa November 18, pararangalan ng Caloocan Jaycee Foundation Inc. at Kapit Bisig ng Kabataan sa kanilang 2nd Annual Gawad Parangal Mabuhay Filipino Achiever’s 2000 si Cy bilang recipient ng Bisig Kabataan Awards sa larangan ng Arts & Culture.

GUSTO KO NANG LUMIGAYA

NANG

NIYA

PATRICIA JAVIER

PELIKULA

POPS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with