^

PSN Showbiz

"Mas magaling umarte si Via kesa kay Aya"

-
Walang kagatul-gatol na sinabi ni Allen Dizon na mas nagagalingan siyang umarte kay Via Veloso kaysa kay Aya Medel.

And yet kasama niya sa kuwadra ang dalawang sexy stars at sila ay nasa management ni Jojo Veloso.

At ang sinabi niya ay maaaring magbigay sa kanya ng problema.

Pero, pinangatawanan niya ang sinabi niya.

"Mas maraming beses ko nang nakakasama si Aya. Ilang beses lang kami ni Via pero nakita ko na ang kaibahan nila sa pag-arte. Mas magaling si Via," pagdidiin ng guwapong aktor na unang napanood sa pelikulang Curacha topbilled by Rosanna Roces. Sa Ang Gusto Ko Sa Lalaki, nagpakita siya ng kanyang puwit.

"Okay lang sa akin ito. Lalaki naman ako at trabaho lang ito," sabi niya.

Sa kabila ng pangyayaring marami na rin siyang ginagawang movies, sa Pampanga pa rin siya umuuwi. "Magulo at naiingayan ako sa Maynila. At nasanay na rin akong mag-commute," dagdag niya bagaman at mas naniniwala pa rin ako na hindi ang lugar ang atraksyon sa kanya kundi ang kanyang girlfriend of of three years.

"Hindi siya taga-showbiz pero napaka-understanding niya hindi lamang sa aking trabaho kundi pati na rin sa aking schedule. Nagseselos din siya sa mga roles na ginagampanan ko kahit alam niya na trabaho lang ito," kwento niya.
* * *
Kahit pawang mga bold ang pelikula na ginagawa niya. Hindi ito dahilan para hindi pagbutihin ni Via Veloso ang kanyang pag-arte.

"Panay din ang panonood ko ng pelikula, local or foreign. Kumukuha ako ng tips sa mga artista na napapanood ko. And so far, marami ang nagsasabi na malaki ang naging improvement ng acting ko. Magaling na raw ako," pagmamalaki niya during the presscon of Ang Gusto Ko Sa Lalaki, isa pang bold movie na kung saan ay nag-totally bold siya.

Hindi ba nagseselos ang kanyang non-showbiz boyfriend?

"Four years na kami kaya alam niya na trabaho lang ito," paliwanag niya.

Wala ba silang balak na magpakasal?

"Wala pa. Sa ngayon busy siya sa kanyang trabaho. May balak siyang tumakbo bilang konsehal ng Baguio sa susunod na eleksyon," aniya.

Bukod sa Ang Gusto Ko Sa Lalaki, tapos na rin niya ang Ako Ang Maghahatid Sa Hukay Mo, kasama si Lito Lapid.
* * *
Paano mo ba hindi papanoorin ang nakatakdang konsyerto ni Randy Santiago na Virtual Eyes sa Casino Filipino Amphitheater (site of the old Duty Free Philippines) sa Parañaque sa Nobyembre 18, 9:00 ng gabi, gayong ang makakasama niya ay tatlong mga kaanood-nood na babae gaya nina Priscilla Almeda, Rachel Alejandro at Aiai delas Alas?

Idagdag mo pa ang kahusayang kumanta ni Randy at ang magiging resulta ay isang kaiga-igayang sing and dance show. Ang kikitain sa show ay ipagkakaloob ng Private Eyes Entertainment Productions sa pakikipagtulungan ng Casino Filipino sa mga barangay sa Basilan, Isabela na inabot ng giyera.

Ang mga sponsor ng show ay ang Destiny Cable, Dolce & Gabbana, Phil. Village Hotel, Sunrise Holiday Concepts Inc., Tokyo Tokyo, Stagecraft Int’l., Sportshouse, Absolute Drinking Water,Sarabia Optical, Eyegear and Ratsky Bar & Restaurant. Official radio stations are 89 DMZ, 89.9 WTM at Channel V.
* * *
Nawalan man ng isang lalaki sa buhay si Pops Fernandez, anim na naguguwapuhan naman ang pumalit.

Ito ang mga nakasama niya sa pelikulang Gusto Ko Nang Lumigaya, ang ikalawang major movie niya mula sa Viva Films na dinirek ni Maryo J. delos Reyes at magkasabay na ipinapanood sa press (Viva Preview Room) at publiko (UP Theater) nung Lunes, Nov. 6. Ang mga lalaking ito na ani Pops ay naging bahagi ng kanyang buhay nang magkakasabay at sa iisang pagkakataon ay sina Albert Martinez, Diether Ocampo, Anton Bernardo, Bojo Molina, Allyson Vll at si Direk Maryo J.

Nagustuhan ng press ang pelikula at lahat ay nagkakaisa sa pagsasabi na naging isa nang mahusay na aktres si Pops.

AKO ANG MAGHAHATID SA HUKAY MO

ALBERT MARTINEZ

ALLEN DIZON

ANG GUSTO KO SA LALAKI

NIYA

VIA VELOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with