^

PSN Showbiz

Mystica, mangugulo sa mga palengke!

-
Maswerte na ring maituturing itong si Mystica, ang singer na kilala sa kanyang pagi-split. Hindi pa naman natatagalan nang magsimula siya sa kanyang singing career pero, madali siyang nakilala ng publiko. In fact, nag-hit agad ang unang single na inilabas mula sa kanyang unang album, ang "Simple Lang". It became a big hit kung kaya tinangay nito sa kasikatan ang self-titled album na naging isang certified gold. Ang awitin ding ito ang nag-catapult kay Mystica sa kanyang tinatamasang kasikatan ngayon. It has even brought her a role in a movie na nagra-ride on sa kasikatan ng "Simple Lang" bagaman at ang ginamit na titulo sa pelikula ay isang linya lamang mula sa nasabing awitin, ang Ang Gusto Ko Sa Lalaki.

Marami ang nagtataka kung anong karisma na mayro’n ang isang Mystica at siya ay tinatangkilik ng publiko. Sa mga ginagawa niyang pagbubunyag ng kanyang buhay sa telebisyon at sa mga babasahin ay wala nang masasabing misteryo sa kanyang buhay. Batid na ng lahat how she turned to one older man para lamang may bumuhay sa kanila. Unfortunately, the same man drove her to flee the country nang hindi niya na matiis ang maraming pagkakataon na binubugbog siya nito. Kung hindi siya tumakas at pumunta ng abroad at tumigil dun ng mga 10 taon (7 taon sa Canada, 3 taon sa Amerika) ay baka hindi nagbago ang kanyang kapalaran. As it is, talagang nakatakda siyang sumikat, hindi sa abroad kundi dito sa sarili niyang bansa.

"Mahirap sumikat sa Amerika kung wala kang datung, napaka-mahal ng airtime," sabi niya. She decided to try her luck here. Pero, hindi naging madali ang pagsisimula niya. Dumaan siya sa butas ng karayom. Tinanggihan siya ng mga malalaking record outfits. Nalaswaan sila sa packaging niya, sa outfit niya. In fact, ginawa nilang isyu yung outfit niya. Wala ring talent manager na tumanggap sa kanya. She wasn’t willing to go all the way. "Bakit kailangang mag-all the way. Kakanta lang naman ako, ah!" tanong niya. May nilapitan din siyang isa pang sikat na talent manager na inayawan din siya at sinabing hindi ito tumatanggap ng bagong artist. Later on nang sumikat siya, ito rin ang nagbinyag sa kanya bilang "Rock Diva of the New Millennium".

Hindi isang gimik yung packaging niya, sexy outfits, thigh-length boots combined with erotic dancing and splits. "Hindi yun gimik, ako talaga yun.

"Kaya siguro nila sinasabing gimik ay dahil ako lang ang gumagawa ng ganun," sabi niya.

"Nag-aral ako ng dancing sa US. Part ito ng training para sumikat sa abroad. I paid a high price for it, mga $200 for a month’s training.

"Wala akong choice, isa ito sa mga requirements dun. Lahat ng mga nagta-try ng showbiz ay kailangan marunong sumayaw.

"I also studied acting, sa Beverly Hills at kay John Casablanca sa Vancouver, Canada."

Now, that she is almost at the peak of her career, nagagamit niyang lahat yung training niya sa abroad. "Maski na yung tallest pair of shoes ko ay naging kwela when I was just starting. Hindi rin yun gimik, ganun yung shoes na ginagamit ng Spice Girls. I still have it."

It is also a known fact na may isa siyang 12 year old son. "Kaya nga siguro wala akong lovelife, dahil may anak ako pero, I’m sure may darating din para sa akin," sabi niya.

She is one of the cast ng Ang Gusto Ko Sa Lalaki, isang sex comedy na nagtatampok sa ilang mga bold stars like Via Veloso, Pamela Ortiz, Stella L., Allen Dizon at marami pa.

Has she also turned bold?

"Hindi, sexy comedy lang ang gusto ko. Sinabi ko na ito sa manager ko and she sees to it na masunod ito," dagdag pa niya. Still she caused a furor nang dumating siya sa presscon ng nasabing pelikula clad in a shimmering sexy red outfit complete with thigh-high boots. Bagaman at maraming mga mata ng kalalakihan, at maging ng mga kababaihan, ang umikot, nakalimutan din nila ang kanyang kaseksihan and instead concentrated on her "kabaklaan" which many of my colleagues find so endearing. Sa kabila ng kanyang pagiging bago sa industriya, marami na siyang natutunang swardspeak (gay language) at gay action and movements.

Balak ng mga producer ng kanyang pelikula na ilibot siya sa mga public markets bilang bahagi ng promo ng pelikula. Yun ding sexy red outfit niya ang isusuot niya na pinaniniwalaan ng marami will create trouble hindi lamang sa kanya kundi maging sa mga daratnan niya.
* * *
Hindi natuloy ang concert ng Wiseguys nung Sabado, Nov. 4, sa Music Museum. Matutuloy ito ngayong Miyerkules, Nob. 8 sa nasabi ring venue sa ika-8 ng gabi.

Panauhin ng grupo si Bituin Escalante at ang Pebble Gum. Presyo ng mga tiket ay P500 sa orchestra at P350 sa balcony.
* * *
May 2001 calendar nang ipinagbibili ang Video City.

Nagtatampok ito kay Joyce Jimenez sa mga magagandang poses na kuha ni Jun de Leon at tampok sa 12 buwan ng buong taon.

May kasama ring isang bonus poster.








vuukle comment

ANG GUSTO KO SA LALAKI

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with