^

PSN Showbiz

Istorya ng direktor binili hindi para isapelikula kundi para tiryahin siya

-
Sayang yung istorya na ibinenta ng isang magaling na direktor sa isang bagong independent movie outfit. Binili nga ito sa kanya pero baka hindi ito gawing pelikula o kung gawin man ay hindi sa kanya ipagawa. Tumutol kasi siyang makipag-negotiate sa tumatayong line producer ng outfit. Mas ginusto niyang kausapin ang mga tunay na may-ari na naging interesado sa kanyang isinulat. Ini-refer nila siya sa kinuha nilang line producer pero tumanggi siya. Sinabi niya na ayaw niyang makipag-usap sa kung sino lamang. Sila ang gusto niyang maka-negosyo. Sa kasawiang palad ay narinig siya ng line producer. Binayaran nito ang kanyang istorya pero sinabi na mayro’n na siyang napipisil na iba para mag-direct ng kanyang istorya sa pelikula na tatampukan ng mga malalaking artista.
*****
Talagang pinatutunayan ni Sunshine Cruz na katulad din siya ng mga pinsan niya na nauna nang mag-asawa.

Ayaw niyang maglalabas ng bahay di paris nun na panay ang raket niya.

Tamad na tamad siya at madalas ay naro’n lamang sa Scout Rallos residence ni Cesar.

Ibibili siya nito ng bahay sa La Vista at baka sakali na sipaging muli si Shine kapag may bahay na siyang sarili na kailangan niyang ayusin.

*****
Ikatlong beses na akong pinapasok ng ulan sa bahay. Nung dalawang una ay dahil umapaw ang sapa na nasa likod ng aming bahay. Yung ikalawa ay nabara ang sapa at ang tubig na dapat umagos dun ay humanap ng daan sa kalsada at dun dumaan sa harap ng aming bahay. Sa parehong pagkakataon lumubog sa tubig ang mga kasangkapan ko. Sa ikalawang pagbaha, I had to rush my children to a neighbor’s place.

Nung Biyernes, halos umapaw lamang ang sapa. At dahil palagi itong nililinis, hindi ito nabara, walang naging baha pero dahil nagpapagawa ng bahay ang kapitbahay ko at ang bahay ko ay bahagi ng isang rowhouse, kaya siguro naapektuhan at inagusan ng tubig ulan ang mga dingding. Bumaha muli. Wala namang magawa yung mga karpintero kundi ang mangako na reremedyuhan nila ito sa lalong madaling paraan. Meaning kapag hindi na umuulan at wala nang bagyo. Pero, nabasa na ang bahay ko, ang mga gamit ko.
*****
Kung gusto n’yong mapanood ang FAT concert ni Aiai delas Alas na pinamagatang Abuse Me ay magmadali na kayo.

Mabilis maubos ang tiket para dito na mapapanood sa November 11, 8:30 ng gabi.

Kunsabagay bakit nga hindi ito tatauhin eh nakakatawa namang talaga itong si Aiai as proven by the first two birthday concerts.

In fact, yung pinaka-huli niya ay maraming tao ang hindi nakapasok ng FAT. Nagkasya na lamang sila sa pakikinig ng happenings sa loob sa pamamagitan ng isang loud speaker na sinadyang ilagay ng FAT para sa mga hindi nakapasok.

Kasama ni Aiai sa show sina Ara Mina, Bituin Escalante, Mark Anthony Fernandez, Ogie Alcasid, The Streetboys at Whiplash Dancers. Direksyon ni Floy Quintos.
*****
Nanalo sa ginanap na Oktoberfest Extravaganza ng Calle 5 Food Zone Band Showdown ang Maranatha Band, 1st prize, D’Sparks 2 Band, 1st runner-up at Fox Mover Band, 2nd runner-up.

Ang judges ay sina Jack En Poy ng Alpha Records at Marvin Taningco, sales supervisor ng San Miguel Corp. Naging emcee si Bert Dominic.

Ang sponsor ay San Miguel Draft Beer.

ABUSE ME

AIAI

BAHAY

CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with