Dobleng panalo ng GMA
November 3, 2000 | 12:00am
Umani ng sunud-sunod na parangal ang GMA sa mga nakaraang "awards night". Sa paghakot ng napakaraming gawad, muling pinatunayan ng GMA na sila nga ang "Most Awarded Philippine Broadcast Network". Nanalo ng 24 na awards at dalawang "citations" ang GMA sa 14th PMPC Star Awards para sa Telebisyon (kasama ang "Best Station"). Marami ring parangal ang iginawad sa GMA sa nakaraang KBP Golden Dove Awards at Catholic Mass Media Awards. Sa ibayong dagat, nanalo rin ang GMA Creative Services ng Gold Prize para sa "Generation Now" plug sa FUJI FNS International Titles Fair sa Japan kung saan makikita si Angelika dela Cruz. Binigyan din ng special recognition ang "opening credits" ng Verano sa naturang patimpalak.
Sa kabila ng mga parangal, ang mas lalong nakataba ng puso para sa mga taga-GMA ay ang pinakabagong mga surveys ng AC Nielsen kung saan ilan sa mga palabas ng network ang nanguna sa kani-kanilang kategorya at patok sa mga manonood sa Metro Manila at maging sa tinaguriang Mega Manila kasama ang mga karatig pook nito. Kasama sa mga nangunang mga palabas ang mga sumusunod: Bubble Gang, Imbestigador, What Went Wrong, Bilibkaba?, Extra! Extra!, GMA Love Stories, I-Witness, Kakabakaba, Startalk, Eat Bulaga, Debate at 5 & UP. Ito ay patunay na hindi lang sa mga hurado ng mga parangal panalo ang GMA kundi walang kaduda-dudang maging sa puso ng mga manonood.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended