^

PSN Showbiz

KDPP, ibabalik ang init at sigla ng local movies

-
Sa pangunguna ng beteranong film director na si Arsenio "Boots" Bautista ay matagumpay na nakumbinsi at napagkaisa ang mga film direktor na nasa ilalim ng Kapisanan ng mga Direktor ng Pelikulang Pilipino (KDPP) para suportahan ang isang bagong sistema sa film production na ilulunsad sa ating bansa bilang suporta sa programa ng Pangulong Joseph Ejercito Estrada na buhayin muli at maibalik ang dating sigla at init ng Filipino motion picture industry.

Kung natatandaan ay patern lamang sa sistema ang ginamit ng Hollywood noong malagay sa isang bingit ng pagkawasak ang kanilang movie industry. Dahil dito, naibalik ang Hollywood sa dating kasiglahan. Nagkakulay muli ito noong mga taong 1940 at 1950s. Nagkaroon ng sigla at kulay muli ang filmmaking sa Hollywood.

Ang sistema, ayon kay Boots ay ganito: bawat technician at mga manggagawa na sangkot sa produksyon ay obligadong mag-ambag. Ang kanilang share para maging ganap na kasapi sa kooperatiba. Ang magiging bayad sa kanyang serbisyo ang magsisilbing paunang investment niya.

"Bilang investor," patuloy ni Boots, "may karapatan ang isang kasapi na makatanggap ng share sa magiging tutubuin ng kooperatiba, sa pamamagitan ng rebates."

Ipinaliwanag ni Boots ang novel filmmaking system ay umiinog sa principle ng cooperatives, ang ipinagkaiba nga lang ay ang financing na magmumula sa labas. Lalo pa’t iisipin daw na napakalaking halaga ang kailangang puhunan, ang kooperatiba ang kailangang financing ay nagmumula sa labas. Gayunman, patuloy ni Boots, ang financier ay malayong makakuha ng kanilang share sa magiging tutubuin ngunit hindi lang sila puwedeng makialam sa ano mang mga desisyon ng samahan.

Ang financing para sa series of movies lined up for production ay magbubuhat sa isang grupo ng mga business entrepreneurs sa pangungulo ni G. Lito Marcos. Kasama sina Richard Villaflor, Rey Rocas, Jr., Atty. Aristodes Ruaro, Romeo Roncal Acosa, Baby Galido at Marilou F. Villaflor.

Nasabi ni direk Boots na sa sandaling makapagsimula na sila ng shooting ng kanilang first venture na isang comedy drama entitled Torotot na pangungunahan ni Leo Martinez at sa direksyon ni Boots Bautista ay mas marami pang cooperative groups ang magtatag at pagkatapos ay makiisa na rin para lalong maging matibay ang pundasyon ng sinimulan nilang samahan ang tanging pinakalayunin ang maibalik ang naglahong sigla at init ng paggawa ng pelikula dito sa ating bansa.

ARISTODES RUARO

BABY GALIDO

BOOTS

BOOTS BAUTISTA

LEO MARTINEZ

LITO MARCOS

MARILOU F

PANGULONG JOSEPH EJERCITO ESTRADA

PELIKULANG PILIPINO

REY ROCAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with