^

PSN Showbiz

RP's Jacky Chan

-
Trovador "James" Ramos, Jr. is back via his launching movie Eskort with Isabel Granada and John Regala as the lead villain, under Manoli Films directed by Harry James. An eight degree blackbelt of TRACMA, which was founded by his legendary master and father, Trovador Ramos, Sr., James (as his close friends called him) portrays the role of Sgt. Danny Cariño whose mission is to protect a lady reporter raped by a policeman played by John Regala and his brother Raymond Keanu. Unlike in the last movie, here, James was able to show his ‘stuff’ or his style. Tracma. "Marami ang nagsabi noon na nabitin sila sa mga action scenes ko, kaya dito sa Eskort, ginawa ko at talagang pinaganda ang mga fight scenes bukod sa napakaraming putukan ang makikita ng mga manonood na sa palagay ko ay matutuwa. Iba rin ang approach na ginawa ko sa mga rape scenes ni Isabel at kay Barbara (Milano) na tiyak na pag-uusapan ng mga tao.

"Iniwasan ko talaga ang magpa-double sa mga eksena ko. Kaya sa huling part ng movie, ipakikita namin ang ilan sa mga delikadong stunts na ginawa ko. Parang iyong mga movies ni Jacky Chan na ipinapakita kung paano ginawa iyong mga stunts para sa mga tao na walang dayaan. May mga sugat nga ako pagkatapos ng ibang stunts, pero okay lang, trabaho natin iyon," dagdag pa ni Trovador or James.

After this movie nga, maraming matatandaan ang mga tao dito, mga bagong eksena na tiyak na magugustuhan. Hindi lang iyong mga action scene pati na sa ilang mga eksena na magiging kwela sa mga makakapanood. Asked James kung ano ang pinakamahirap na eksena niya rito. "Nagbiro nga ako sa mga standby na do-double sa akin sa mga mapanganib na stunts, sabi ko sa kanila, hindi sila kikita sa akin dahil hangga’t kaya ko, gagawin ko. Before the scene kasi, kinausap ako ni gov. Lito Lapid, sabi niya sa akin, kailangan ipakita ko ang lahat dito. Gawin ko at pilitin na kopyahin ang aking father. He gave me also a good pointer and an example. Sinabi niya sa akin na noong siya na raw ang bida sa mga movies niya (earlier movies, launching) pinilit niyang lampasan lahat ng mga nagawa ng stunts sa pelikula. ‘Kung tumalon sila ng sampu, dose o higit pa ang aking gagawin’ James remembered as one of Lito Lapid’s words of encouragement for him. ‘Napakabait at laging handang tumulong sa kapwa si Gov.’ Tapos eto pa si Bro. John (James and John are both Iglesia ni Cristo). Tinitingnan niya iyong isa sa mga stunts na gagawin ko. That time, medyo nagdadalawang isip ako."

vuukle comment

ASKED JAMES

DANNY CARI

ESKORT

HARRY JAMES

JAMES

LITO LAPID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with