Mas maaga ang showtime ng 'Idol Ko Si Kap'
October 29, 2000 | 12:00am
Hindi pa man nakakadalawang buwan sa ere ang Idol Ko si Kap ay marami na ang talagang inaabangan ito at tumututok sa programa tuwing Linggo. Nagkakaisa ang lahat sa pagpuri sa obra ng dalawa sa "Dating Doon Trio" ni Brod Pete si direktor Cesar Cosme at writer Chito Francisco dahil hindi bulok ang style ng show pagdating sa komedya.
Kaya naman garantisadong matutuwa ang mga loyal na tagasubaybay ng Idol sa balitang mas maaga nay mas mahaba pa ito simula ngayong gabi. Mapapanood na ito mula 7:00 hanggang 8:30 p.m. kaya mas marami nang oras para sa katatawanan kasama ang mga nakakabaliw na karakter ng programa na pinangungunahan ni Bong Revilla.
Marami ang pumupuri kay Bong dahil sa kanyang natural na galing pagdating sa komedya. Siya mismoy natuwa sa balitang extended pa ang weekly date niya sa mga televiewers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am