Huwag matakot sa hula !
October 27, 2000 | 12:00am
Nagulat ako nang sa panonood ng mga pangyayari na may malaking kinalaman sa ating bansa ay nakita kong pati ang hula ay pinatulan na ng isang major network para maipaliwanag ang mga nangyayari sa ating bansa at matukoy ang mga dapat nating asahan sa mga darating na buwan.
Maging sa entertainment world, naimbita ako sa kauna-unahang pagkakataon sa isang presscon na isinagawa para sa isang grupo ng mga psychics na eksperto sa tarot cards, palmistry, dream interpretations, feng shui, numerology, astrology o kung anu-ano pang paranormal o mga pangyayari na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Bagaman at takot akong magpahula, nasiyahan ako sa numerology na isinagawa sa akin para matukoy ang aking pagkatao.
It amused me to know that at this stage of my marriage ay maaari pang magluko ang aking asawa sapagkat ayon sa isang bumasa ng aming compatibility quotient ay lapitin ng babae ang aking asawa at madadalas ang aming pag-aaway. Hindi ko minimenos ang husay ng nagsabi nito pero, nagpapasalamat ako sa Diyos at sa loob ng 28 taong pagsasama namin, I can only think of one major quarrel and a few minor spats na naganap sa aming marriage.
Sa pagsasama-sama ng mga international lecturers, clairvoyants and psychics, nabuo ang isang babasahin para sa mga mamamayan na mabibigyan ng karunungan ukol sa mga tinatawag na Ancient Mystical Teachings, para maituwid ang mga maling pamahiin at maiwasto ang tamang paggamit ng mga gintong aralin na ito.
Ang kilalang numerologist na si Judy Lou C. de Pio ang editor ng Gintong Hula Atbp. na inilalathala ng Agoja Atlantis Publishing Corp.
Bukod sa kinagigiliwang Horoscope mayro’n din ditong Hulascope. Bawat sipi ng comics-mag ay nagsisimula sa isang invocation prayer. Mayroon ding paliwanag tungkol sa magic crystals, the law of karma, written and in comics form. May paliwanag si Bro. Gem tungkol sa dreams, si Soraya tungkol sa feng shui at si Gerald Victoria sa numerology. May gabay ng buhay si Lady Francesca at marami pa.
May imbitasyon sila para sa isang selebrasyon na magaganap sa kabilugan ng buwan sa Nobyembre 12, 7 n.g. sa Sufi-Isis 15-A Banawe. Magkakaroon ng pamamahayag ng gintong kaalaman na susundan ng isang masaganang vegetarian dinner.
Nakita ko si Nini Jacinto sa initial telecast ng Lunchbreak na napapanood araw araw, Lunes hanggang Sabado, 12 nn sa IBC 13.
Mataba siya, hindi bagay sa isang sexy star na katulad niya. At sinabi ko ito sa kanya na nginitian lamang niya bagaman at sinabi niya na magpapapayat na siya. At dahil tumaba, hindi kataka-taka kung kasabay na lumaki ang kanyang boobs na sinasabing ipinaretoke niya pero itinatanggi niya. Mayro’n daw ibang paraan nang pagpapalaki ng boobs bukod sa pagpapaopera nito na hindi ko ipinursue sapagkat nakita kong nagbibiro siya. Iginalang naman niya ang sentiment ko.
"Katawan ang puhunan ko sa aking trabaho, natural lamang na pagandahin ko ito, ipa-improve pero, hindi pagpapaopera lamang ang maaari kong gawin," sabi niya.
She topbills Arayyy! together with Rodel Velayo and Leonardo Litton para sa Seiko Films.
Marami na palang mga kapatid sa hanapbuhay ang may karamdaman sa kasalukuyan. Kagagaling lamang ng ospital ni Nap Alip. Nasa ospital naman sa kasalukuyan sina Ed de Leon, isa sa board ng aking pinamumunuang Movie Writers Welfare Foundation at Leonardo Sangalang. Si Nena Villanueva naman ay nasa bahay lamang at nagpapagaling. May sakit pa rin si Hermie Francisco. Hindi pa rin siguro magaling si Mama Monchang dahil wala pa siya sa sirkulasyon. Ganon din si Eddie Liboon.
Panahon na siguro para magsama-sama kaming mga entertainment writers para makatulong sa aming mga kasamahang may sakit. Sa ideya ng isang dating kasama sa hanapbuhay na naging isa ring producer ng pelikula na si Lita Santos, nagpa-plano kami nina Nene Riego at Nap Alip, ang una ay pangulo ng Philippine Movie Press Club at ang ikalawa naman ay ang Movie Writers and Photographers group, ng isang fundraising project para kahit papaano ay mapagaang ang pagkakasakit ng aming mga kapatid sa hanapbuhay in this time of crisis.
Maging sa entertainment world, naimbita ako sa kauna-unahang pagkakataon sa isang presscon na isinagawa para sa isang grupo ng mga psychics na eksperto sa tarot cards, palmistry, dream interpretations, feng shui, numerology, astrology o kung anu-ano pang paranormal o mga pangyayari na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Bagaman at takot akong magpahula, nasiyahan ako sa numerology na isinagawa sa akin para matukoy ang aking pagkatao.
It amused me to know that at this stage of my marriage ay maaari pang magluko ang aking asawa sapagkat ayon sa isang bumasa ng aming compatibility quotient ay lapitin ng babae ang aking asawa at madadalas ang aming pag-aaway. Hindi ko minimenos ang husay ng nagsabi nito pero, nagpapasalamat ako sa Diyos at sa loob ng 28 taong pagsasama namin, I can only think of one major quarrel and a few minor spats na naganap sa aming marriage.
Sa pagsasama-sama ng mga international lecturers, clairvoyants and psychics, nabuo ang isang babasahin para sa mga mamamayan na mabibigyan ng karunungan ukol sa mga tinatawag na Ancient Mystical Teachings, para maituwid ang mga maling pamahiin at maiwasto ang tamang paggamit ng mga gintong aralin na ito.
Ang kilalang numerologist na si Judy Lou C. de Pio ang editor ng Gintong Hula Atbp. na inilalathala ng Agoja Atlantis Publishing Corp.
Bukod sa kinagigiliwang Horoscope mayro’n din ditong Hulascope. Bawat sipi ng comics-mag ay nagsisimula sa isang invocation prayer. Mayroon ding paliwanag tungkol sa magic crystals, the law of karma, written and in comics form. May paliwanag si Bro. Gem tungkol sa dreams, si Soraya tungkol sa feng shui at si Gerald Victoria sa numerology. May gabay ng buhay si Lady Francesca at marami pa.
May imbitasyon sila para sa isang selebrasyon na magaganap sa kabilugan ng buwan sa Nobyembre 12, 7 n.g. sa Sufi-Isis 15-A Banawe. Magkakaroon ng pamamahayag ng gintong kaalaman na susundan ng isang masaganang vegetarian dinner.
Mataba siya, hindi bagay sa isang sexy star na katulad niya. At sinabi ko ito sa kanya na nginitian lamang niya bagaman at sinabi niya na magpapapayat na siya. At dahil tumaba, hindi kataka-taka kung kasabay na lumaki ang kanyang boobs na sinasabing ipinaretoke niya pero itinatanggi niya. Mayro’n daw ibang paraan nang pagpapalaki ng boobs bukod sa pagpapaopera nito na hindi ko ipinursue sapagkat nakita kong nagbibiro siya. Iginalang naman niya ang sentiment ko.
"Katawan ang puhunan ko sa aking trabaho, natural lamang na pagandahin ko ito, ipa-improve pero, hindi pagpapaopera lamang ang maaari kong gawin," sabi niya.
She topbills Arayyy! together with Rodel Velayo and Leonardo Litton para sa Seiko Films.
Panahon na siguro para magsama-sama kaming mga entertainment writers para makatulong sa aming mga kasamahang may sakit. Sa ideya ng isang dating kasama sa hanapbuhay na naging isa ring producer ng pelikula na si Lita Santos, nagpa-plano kami nina Nene Riego at Nap Alip, ang una ay pangulo ng Philippine Movie Press Club at ang ikalawa naman ay ang Movie Writers and Photographers group, ng isang fundraising project para kahit papaano ay mapagaang ang pagkakasakit ng aming mga kapatid sa hanapbuhay in this time of crisis.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended