^

PSN Showbiz

Nag-aral manakot sa England si Batoctoy

-
Kapag pinag-usapan sa pelikula o TV kaya ang pananakot, isang pangalan lang palagi ang lumalabas, ang pangalan ni Bene Batoctoy. Isa siyang prosthetics expert na bahagi ng mga proyekto ng Viva Films lalo na sa serye nitong Kagat sa Dilim.

Isang Zamboangueño si Bene na pumunta ng Maynila makatapos ng high school sa Zamboanga. Nakilala niya si direktor Peque Gallaga na siyang nagbukas ng pinto sa kanya sa larangan ng showbiz.

By good fortune, nakapag-aral siya ng pitong buwan sa England sa rekomendasyon ng CCP sa British Council. Natuto siya ng props-makin, art o puppetry, modern effects at iba pang related arts sa Bristol Old Vic Theater School.

Nang bumalik siya ng Maynila, tumulong siya kay Gallaga sa pelikulang Once Upon a Time, Shake Rattle & Roll 3, 4 & 5, Magic Kingdom, Magic Temple, Batang X, Darna at Ang pagbabalik.

Marami pa ring pelikula na ginamit ang kanyang kaalaman gaya ng Pedro Penduko II. Ngayon ay regular siya sa serye ni Erik Matti sa TV na Kagat sa Dilim.

Ang pagdating sa Maynila ng prosthetics expert na si Maurice Carvajal ang nagpasidhi sa kanyang pagnanasa na matuto pa ng tungkol sa prosthetics.

Nung 1999 ay binuo niya ang kanyang sariling kumpanya na tinawag niyang Mountain Rock Production na nagbibigay ng prosthetics needs ng mga palabas sa TV at teatro.

May kaakibat na panganib ang trabaho ni Bene. Gaya ng patuloy na exposure sa chemicals na maaaring magbigay ng panganib sa kanyang mga tauhan. Wala rin sa oras ang kanilang trabaho, marami sa kanila ang kulang sa tulog.

Sa Kagat sa Dilim, maraming panahon ang ginugugol ni Bene kasama sina director Erik Matti at ang writer na si Dwight Gaston sa paggawa ng mga malalaking monster and small scale props. Paminsan-minsan nakakapagpahinga sila sa paggawa ng mga nakakatakot na monster para gumawa ng isang anghel para sa isang episode ng Kagat...

BATANG X

BENE BATOCTOY

BRISTOL OLD VIC THEATER SCHOOL

BRITISH COUNCIL

DILIM

DWIGHT GASTON

ERIK MATTI

KAGAT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with