Bakit box-office ang Regine-Robin movie ?
October 25, 2000 | 12:00am
Ang magandang showbis balita ngayon ay ang sinasabing malakas sa takilya ng pelikula nina Robin Padilla at Regine Velasquez, isang nakatutuwang movie na puwede mo naman talagang pag-aksayahan ng panahon dahil hindi naman nakakabaliw ang mga eksena ng pantasya. At kahit sabihin pang pantasya rin ang dating, realistic naman ang pagkakatuhog-tuhog ni Binibining Joyce Bernal na siyang direktor ng movie. Yung mga bagay na mukhang out of this world ang eksena– the ending na may kasalan pa nga sa loob ng coliseum, puwersado pero puwede na rin dahil balance naman ang pagpapa-cute ni Robin at Regine. So the whole thing works as a comedic piece of work.
Ewan ko lang kung ano talaga ang pakay ng Binibini sa pangalan ni Joyce Bernal. Hindi naman siguro ito gimik lang gaya ng Miss Rita Gomez noon, o baka ayaw lang ni Miss Bernal na pagkamalan siyang isang lesbian.
Dahil palagay ko naman napaka-feminist ng treatment ng pelikula para magkamali pa ang mga manonood na tunay na babae ang direktor, kahit sabihin pang nagbukas ang pelikula sa piling ng mga bading. At si John Lapuz, ang walang humpay na bading, ay isang major character sa pelikula.
Ang pelikula ay parang hango sa tunay na buhay ni Regine Velasquez – on the surface level. Siya si Francine, isang sikat na local singer, anak mayaman, nag-iisang anak ng isang dysfunctional family.
Ang bale kontrabida sa buhay ng lovers ay ang mapag-usisang media na panay na panay ang pang-iintriga kung sino ang non-name na boyfriend ni Francine. Lumala ang problema nang mangailangan ng pera ang pamilya ni Gimo at pinahiram naman ni Regine ang tatay ni Gimo. Kay babae, walang kaso iyon. A hundred thousand? Mayaman siya. Pero kay lalake, kay laking problema at dagok iyon sa kanyang macho pride. Siya raw ang lalake, siya ang dapat bumalikat ng problema ng kanyang pamilya. Nag-away tuloy si Gimo at ang father niya.
Dito nagdrama ng husto si Robin upang ipakilala sa lahat na ang Filipino pride ay hindi basta-basta. Kaya ng mga Pinoy macho na isantabi ang pag-ibig kapag ang pride na nila ang nasasagasaan. How childish!
The movie has all the kilig ingredients the audience love to see. Medyo daring na rin si Regine dahil sa mga torrid kissing at suggestive scenes nila ni Robin. This is not the typical Robin movie dahil kapag siya ang bida expected na maraming action sequences pero dito ay mayroon lamang siyang isang eksena ng bakbakan with the bodyguards of Alvin Anson, a congressman na masugid na manliligaw ni Regine.
What made this movie hit it big at the box-office sa panahon na halos paisa-isa lang ang release ng mga Tagalog movies every week at halos lahat ay mahina? Siguro dahil isang malaking pangalan si Regine sa music industry at nahatak niya ang kanyang mga fans sa pelikulang ito. At siyempre si Robin ay hindi pa rin nawawala ang charisma sa mga manonood kaya isa rin iyong factor. Pero kahit malaki ang mga artista, sa tingin ko importante pa rin ang kabuuan ng pelikula–iyong story, direction, acting–you have to have the right mixture of everything to come up with a successful movie.
Email:[email protected]
Ewan ko lang kung ano talaga ang pakay ng Binibini sa pangalan ni Joyce Bernal. Hindi naman siguro ito gimik lang gaya ng Miss Rita Gomez noon, o baka ayaw lang ni Miss Bernal na pagkamalan siyang isang lesbian.
Dahil palagay ko naman napaka-feminist ng treatment ng pelikula para magkamali pa ang mga manonood na tunay na babae ang direktor, kahit sabihin pang nagbukas ang pelikula sa piling ng mga bading. At si John Lapuz, ang walang humpay na bading, ay isang major character sa pelikula.
Ang bale kontrabida sa buhay ng lovers ay ang mapag-usisang media na panay na panay ang pang-iintriga kung sino ang non-name na boyfriend ni Francine. Lumala ang problema nang mangailangan ng pera ang pamilya ni Gimo at pinahiram naman ni Regine ang tatay ni Gimo. Kay babae, walang kaso iyon. A hundred thousand? Mayaman siya. Pero kay lalake, kay laking problema at dagok iyon sa kanyang macho pride. Siya raw ang lalake, siya ang dapat bumalikat ng problema ng kanyang pamilya. Nag-away tuloy si Gimo at ang father niya.
Dito nagdrama ng husto si Robin upang ipakilala sa lahat na ang Filipino pride ay hindi basta-basta. Kaya ng mga Pinoy macho na isantabi ang pag-ibig kapag ang pride na nila ang nasasagasaan. How childish!
The movie has all the kilig ingredients the audience love to see. Medyo daring na rin si Regine dahil sa mga torrid kissing at suggestive scenes nila ni Robin. This is not the typical Robin movie dahil kapag siya ang bida expected na maraming action sequences pero dito ay mayroon lamang siyang isang eksena ng bakbakan with the bodyguards of Alvin Anson, a congressman na masugid na manliligaw ni Regine.
What made this movie hit it big at the box-office sa panahon na halos paisa-isa lang ang release ng mga Tagalog movies every week at halos lahat ay mahina? Siguro dahil isang malaking pangalan si Regine sa music industry at nahatak niya ang kanyang mga fans sa pelikulang ito. At siyempre si Robin ay hindi pa rin nawawala ang charisma sa mga manonood kaya isa rin iyong factor. Pero kahit malaki ang mga artista, sa tingin ko importante pa rin ang kabuuan ng pelikula–iyong story, direction, acting–you have to have the right mixture of everything to come up with a successful movie.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended