^

PSN Showbiz

The Young CRITIC - Asian movies, mabenta sa international filmfest

- Ni Jennifer Miranda -
Sa kasalukuyan, larangan ng international film market talagang pinagkakaguluhan ang mga pelikulang Chinese hindi lamang dahil sa lakas nito sa takilya, sa panghatak ng kanilang mga international box-office stars tulad nina Jackie Chan, Jet Li, Chow Yun Fat at mga direktor gaya nina John Woo, Ang Lee at Chen Kaige, kundi pati na rin sa nilalaman ng mga istorya at sa makasining na paggamit ng makabagong teknolohiya.

Umaangat na rin sa kamalayan ng world filmmakers ang mga movies na gawa sa Iran at Vietnam sa panahong ito dahil sa mga nilalamang theme ng mga istorya na naiuugnay ng mga writers at directors sa makabuluhang buhay sa contemporary setting. Sa panonood halimbawa ng Color of Paradise (Iran) o Shower (China), nalalaman natin na ang mga problema pala sa ibang bansa ay parang problema rin natin at ang mga damdamin ng pag-ibig, pagtitiis at kabiguan ay hindi nasosolo ng isang lahi.

Fifty years ago raw, ang mga notable Asian movies ay ang mga gawa sa Japan tulad ng mga classic masterpiece ni Akiro Kurosawa na Rashomon. Noong mga panahong iyon sikat na sikat ang mga Hapones at ilang artista rin ang gumawa ng pelikula sa Hollywood tulad nina Toshiro Mifune at Mahiko Kyo. Kapansin-pansin din noon ang mga pelikula mula sa India.

Gumawa rin ng big budget movies si Charito Solis bilang leading lady sa Buddha at The Princess and I. Noong dekada 70, nakilala ang pangalang Lino Brocka sa international film scene dahil sa kanyang mga pelikulang Bayan Ko at Jaguar. Hanggang ngayon si Brocka pa rin ang pinakakilalang pangalang Filipino sa world film circles kahit ilang taon na siyang namayapa.

Noon, ang mga local producers ay pumupunta sa Hongkong, Japan, Indonesia, Vietnam, Malaysia at Singapore, Hawaii, Amerika at Europa para gumawa ng pelikula. Pero ngayon bibihira nang mag-location ang mga local films dahil kulang sa budget, kulang sa panahon at higit sa lahat kulang na kulang sa suporta ng publiko sa takilya.

Pero parang sinuwerte at may Japanese group na maglalakas loob na makipag-co-produce ng pelikula sa MMG Films. Nakakontak yata si direktor Roland Ledesma ng grupo sa Japan, ang Total Planning Company Limited na makipagsosyo upang gumawa ng isang action-drama movie na ang title ay Japino.

Si Jin Suzuki ang lalabas na Japino, ang half brother ng isang Pilipinong police officer na papapelan naman ni Ronald Gan-Ledesma. Sila ang magkapatid na Marvin at Delfin. At dahil dito nga kukunan ang lahat ng location ng pelikula, kinakailangang mag-aral ng Tagalog si Jin Suzuki o kaya naman ay ida-dub ang kanyang mga linya.

Ang isa pang importanteng papel sa pelikula ay ang karakter na si George na may-ari ng isang night club. Ito ay gagampanan ng isang more senior Japanese actor na si Mitsukuni Ishii. Dito magtatrabaho sa club na ito pareho si Marvin at ang kanyang girlfriend na si Rowena. At iikot sa pangyayaring ito ang istorya dahil magugustuhan ng Hapones na si George si Rowena at ipadudukot ang dalaga nang malamang may kasintahan na ito. Natural naman na sasagipin ni Japino ang kanyang girlfriend at tutulungan naman ng kanyang kapatid na Pinoy si Japino.

Ngayon pa lamang ay napipisil nang si Angelika dela Cruz ang lumabas na Rowena bilang leading lady ni Jin Suzuki.

Puwede rin daw na si Beth Tamayo na nakatambal na ni Ronald sa huling pelikula ng MMG Films. Siyempre may leading lady din sa Japino movie na ito si Ronald Gan. Kung siya ang papipiliin, ang pangarap niyang (Ronald) makapareha ay si Ara Mina kung hindi ito busy sa iba pa niyang movie commitments.

Sa launching na ginawa upang ipakilala si Jin Suzuki at Mitsukuni Ishii, hindi gaanong nakausap ng movie press ang dalawang headliners na Hapones dahil abalang-abala ang dalawa sa pakikisalamuha sa kanilang mga artistang tulad nina Roi Vinzon, Orestes Ojeda, Angelika Jones, Daria Ramirez, at iba pang talents ng MMG Films. Pero mukhang magaan ang loob ng lahat sa bidang Hapones na si Jin Suzuki na kahit hindi pa marunong mag-Tagalog, mabait naman at palabati, madaling kaibiganin.
* * *
Email:[email protected]

AKIRO KUROSAWA

ANG LEE

ANGELIKA JONES

HAPONES

JAPINO

JIN SUZUKI

MITSUKUNI ISHII

PERO

ROWENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with