^

PSN Showbiz

Suntok sa BUWAN - Glydel, selos-to-death kay Priscilla

- Emy Abuan Bautista -
Matagal kong nakakwentuhan si Glydel Mercado sa taping ng Munting Anghel ng GMA at tinanong ko kung ano ang reaksyon niya tungkol sa lumabas sa internet na malaswang kuha nina Priscilla Almeda at Tonton Gutierrez.

Tinanong ng aktres ang nobyo tungkol dito at sinabi raw ng nobyo niya na nagtataka sila kung saan nanggaling ang mga nasabing picture.

Kahit may nagbibigay ng photo tungkol sa said picture ng dalawa ay ayaw itong tingnan ni Glydel.

"Sasama lang ang loob ko, kaya mabuti pang huwag ko nang tingnan.

Hindi rin ako manonood ng Syota ng Bayan dahil sa kanilang mga eksena.

Syempre normal lang na magselos ako. Hindi rin ako dadalo sa premiere night ng pelikula nila.

Ganito rin ang nangyari sa Sidhi. May mga eksena kaming daring ni Albert Martinez at noong premiere night naroon si Liezl.

Nang maglabasan ang mga tao after the screening ay nakatingin sila sa asawa ni Albert. Ayokong ma-feel ang ganoon."

Kailan naman sila pakakasal ni Tonton? "Two years from now.

Syempre kailangang handa rin kami. Gusto ko talaga, garden wedding para mas romantic, di ba?

Wala akong problema sa aking future in-laws dahil magkasundo kami ni tita Liza (Lorena) pati na ang lola ni Ton," dagdag pa ng aktres.
Antoinette, Magtatapos Ng Pag-Aaral
Fourth year irregular ng kursong Political Science sa Ateneo si Antoinette Taus. Pero nag-iisip pa siya kung magsi-shift siya sa Communication Arts. Kahit abala sa mga showbiz commitment ay prioridad pa rin niya ang kanyang pag-aaral. Kaya naman nasa dean’s list siya.

Walong taon na siya sa showbis. At payag na ba siyang lumabas sa sexy movie? "Mas gusto ko yong wholesome pero payag din akong lumabas sa mature role dahil 19 years old na ako. Yong sexy movie ay puwede rin basta’t huwag lang bastos. Pero definitely no breast exposure at ayaw ko ring magsuot ng two-piece bikini."

Kumusta na ang kanyang lovelife? Hindi niya binanggit ang pangalan ni Dingdong pero sinabing masaya pa rin siya sa kanilang pagiging magkaibigan. "Noong una, kapag nakakarinig ako ng negatibong balita tungkol sa amin hindi ko mapigilan ang umiyak pero ngayon, sanay na ako. Hindi na lang ako nagbabasa ng tabloid o magasin para wala akong nababasang intriga tungkol sa akin. Hindi na ako naapektuhan ng intriga," pahayag niya.
Isabella, Kinatutuwaan
Ang bagong child wonder na si Isabella ang ipinagmamalaking discovery ng GMA. Siya ang bida sa mini-series na Munting Anghel na isa sa mga top-rating program sa telebisyon.

Ginampanan niya ang papel ng isang batang sawimpalad at sa murang edad ay marami nang pagsubok at pagdurusang pinagdaanan. Magaling umarte at propesyonal ang limang taong gulang na child actress kaya maraming natutuwa sa kanya. Si Tia Pusit ang nakatuklas kay Isabella at ipinakilala siya sa GMA at nabigyan ng malaking break sa nasabing mini-series.
Lindsay, Mapalad Sa Mapapangasawa
Matagal ko nang kakilala ang pamilya ni Lindsay Custodio at naniniwala ako na kaya siya naging mapalad sa kanyang mapapangasawang si Julius Caesar Platon II ay dahil napakabait ng aktres sa kanyang magulang mula pa sa pagkabata hanggang ngayon. Kasabihan nga na kapag naging mabait kang anak ay susuwertihin ka sa pag-aasawa. Bukod sa mahal na mahal ng nobyo si Jamie (palayaw ng aktres) ay may matatag pa itong kabuhayan. Kumukuha ito ng Law sa UST sa kasalukuyan at handang ibigay sa aktres ang masaya at matatag na kinabukasan sa piling ng kanilang magiging anak.

Walong taon ang naging relasyon ng dalawa, wala pa noon sa showbis si Lindsay. Nakita ko ang binata nang minsang maimbitahan namin ang aktres sa Clark Field at bagay silang dalawa.

Noong nakaraang February 14 ay niyaya na ng nobyong magpakasal na sila ni Lindsay na idaraos sa Disyembre 19 dahil nasa tamang edad na naman sila. Ang binata ay 25 years old at 22 naman ang aktres. Namanhikan ang mga magulang ng nobyo noong Mayo 3 at magkasundo naman ang dalawang pamilya.

Kahit may asawa na si Lindsay ay ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang singing career.

AKO

KAHIT

LINDSAY

MUNTING ANGHEL

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with