^

PSN Showbiz

Emmanuel: World Youth Day 2000 Album

-
Ang taong ito ay mayroong significant na event sa kasaysayan ng simbahang Katoliko, ipinagdiriwang sa taong ito ang World Youth Day in the Great Jubilee Year.

Para alalahanin ang event na ito, ang Star Records ay lumikha ng isang album na ang title ay Emmanuel: World Youth Day 2000. Ito ay naglalaman ng 15 tracks ng inspirational songs na talaga namang makakapukaw sa atensyon ng mga tagapakinig. Ang album na ito ay pinag-halo ang popular music and religious at inspiration thematic comments na ipinapabatid ang mensahe ng pagmamahal, pagkakaisa at kapayapaan. Ang central theme ng album ay pagmamahalan at pagkakaisa ng mga tao.

May star studded line-up ang album na ito na tulad ng veteran singer-songwriter na si Jose Mari Chan. Inawit niya ang "Emmanuel (World Youth Day Hymn 2000)" at "In The name of the Father."

Ang pangalawang kanta (inawit ni Jolina Magdangal) ay pinamagatang "Hand in Hand". Si Jamie Rivera nama’y umawit ng napakagandang rendisyon na tulad ng "Tell The World Of His Love," "Jubilee Song" at "I Believe (World Youth Day 1997)."

Sina Chiara de Jesus at Monchu Lucero ay ipinagdiriwang ang pagmamahal ng Panginoon sa awit na "God is Near (Asian Day 2000)" at si Carol Banawa nama’y pinaliwanag ang kapangyarihan ng pagkakaisa sa "We Are One." Tinutukoy naman ni Jimmy Bondoc ang kadakilaan ng Panginoon sa awit na "You Are Emmanuel" at pinagsigawan naman ng 92 AD ang pagmamahal nila sa Panginoon sa awit na "We are the Church (Asian Jam)" at "Shout To The Lord". Inawit naman ni Bo Sanchez ang classical inspirational hymn na kantang "God Will Make A Way", ang Bataoke Kids nama’y nagbigay saya sa awit na "God Is With Us." Ang huling mensahe ng album ay sinasabing hinding-hindi tayo pababayaan ng Panginoon sa awit na "Pangako, Asahan Mo."

Ang iba pang artist na nag-contribute sa album ay sina John Prats, Stefano Mori at Carlo Aquino (JCS), Shaina Magdayao, Jeffrey Hidalgo, Nikki Valdez, Lloyd Nava, Ara Mina, Carlos Agassi, Lloyd Zaragoza, Tin Arnaldo, Keempee de Leon at Jessa Zaragoza.

ARA MINA

ASAHAN MO

ASIAN DAY

ASIAN JAM

BATAOKE KIDS

BO SANCHEZ

CARLO AQUINO

PANGINOON

WORLD YOUTH DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with