Sanga-Sangandila - Misis na misis na ang dating ni Sunshine sa album launch ni Cesar
October 22, 2000 | 12:00am
Naniniwala na ako na talagang pangangatawanan na ni Sunshine Cruz ang pagiging maybahay ni Cesar Montano.
Nang dumalo siya sa album launching ng kanyang kabiyak ay wala siyang kaayos-ayos, napaka-simple lamang niya, walang make-up, the sexy body very obvious pa rin sa kanyang simpleng jeans and blouse outfit.
Nakipag-duet siya kay Cesar sa song na "Kailan Ko Lang Sinabi" na inawit ni Martin Nievera nung kasal nila.
Sinabi ni Cesar, in between his songs, na kung sakali mang tumigil si Sunshine sa kanyang pag-aartista, ito ay sarili niyang desisyon at wala siyang kinalaman o impluwensya kaya.
Ang unang album ni Cesar na ginawa ng Star Records at may pamagat na "Subok Lang" ay nagtatampok ng dalawang compositions ni Cesar, ito ngang "Subok Lang" at "Kailan Ko Lang Sinabi".
Isa itong acoustic album na nagtatampok sa kahusayan ni Cesar sa gitara.
May tatlong revivals ito, ang "All My Life", "Ikaw Pa Rin" at "Lumayo Ka Man".
Sa inyong palagay ba ay si Whitney Houston na ang nakakakanta ng pinaka-mataas na nota ng awiting "I Will Always Love You"? Pakinggan n’yo ang bersyon ng isang upcoming diva, si Kelly Grace Salcedo at kaya niyang dalhin ang awitin with higher notes and shrill sound solid, determined and delightful. Ito ang dahilan kung bakit tuwing Biyernes ay marami ang pumupunta ng Vincent’s Makati, para lamang mapakinggan ang most requested song na ito mula sa isang Puerto-Rican-Filipino na umaawit din ng R&B at pop jazz ng effortless. Enjoy din sila sa maganda niyang boses, ang istilo niya sa pagkanta ay hindi produkto ng anumang vocal school. Sarili niya ito.
Nakatakda siyang maging panauhin ni Juan Rodrigo sa concert nito, ngayong Oktubre 26 sa Joe-Kher kasama sina Cindy Rosas at Gen-3 Band.
Marami ang nag-aabang kung sino kina Rodel Velayo at Leonardo Litton ang aangat sa kanilang muling pagsasama sa pelikulang Arayyy! ng Seiko Films. Matatandaan na nagkaroon sila ng some sort of a competition nang magkasama sila sa Burlesk King.
Sa pelikulang Arayyy! ginagampanan nila ang roles ng mga call boys, mga estudyante who resort to selling their bodies sa maraming dahilan.
"Nakaka-believe yung iba sa kanila dahil kahit ganun ang ginagawa nila, mataas pa rin ang pagpapahalaga nila sa edukasyon," ani Leonardo.
Aminado naman si Rodel na mababa ang tingin niya sa mga ganitong klase ng tao pero, unti unti na niyang naiintindihan ang mga dahilan kung bakit nila ginagawa ito.
"Magaling magdala yung iba. Hindi mo mahahalata. At wise sila. Alam nila kung paano gamitin ng tama ang pera mula dito," kuwento niya.
Nabasa ko yung pagka-klaro na ginawa ni Letty Celi sa babasahing Bandera sa column ni Joey de Castro dahilan sa hindi makatarungang pagbibintang ni Ben dela Cruz sa aming dalawa.
Nung una ay naganyak akong patulan si Ben pero sa kalaunan ay nanaig din ang policy ko that if I have an ax to grind, dumidiretso ako sa tao. Hindi ko gagamitin ang aking dyaryo o kolum para bigyan ito ng liwanag. Di bale na lang na di ito lumiwanag. After all, people who matter to know the score ay kilala ako, wala na akong kailangan pang ipaliwanag. Pero, salamat kay Manay Letty, who gave her side and in so doing ay parang tinulungan na rin akong malinis, hindi man ng lubusan ang aking pangalan, sa hindi makatarungang ginawa sa akin ng isang tao na tinulungan ko dahil ako’y Kristiyano kahit hindi ko kaibigan.
I have a letter sa taong ito at sana magkaroon ako ng pagkakataon na maibigay ito sa kanya para kahit naman papaano ay magkaroon ng liwanag ang kanyang nadidimlang isipan. Salamat din Joey de Castro.
Nang dumalo siya sa album launching ng kanyang kabiyak ay wala siyang kaayos-ayos, napaka-simple lamang niya, walang make-up, the sexy body very obvious pa rin sa kanyang simpleng jeans and blouse outfit.
Nakipag-duet siya kay Cesar sa song na "Kailan Ko Lang Sinabi" na inawit ni Martin Nievera nung kasal nila.
Sinabi ni Cesar, in between his songs, na kung sakali mang tumigil si Sunshine sa kanyang pag-aartista, ito ay sarili niyang desisyon at wala siyang kinalaman o impluwensya kaya.
Ang unang album ni Cesar na ginawa ng Star Records at may pamagat na "Subok Lang" ay nagtatampok ng dalawang compositions ni Cesar, ito ngang "Subok Lang" at "Kailan Ko Lang Sinabi".
Isa itong acoustic album na nagtatampok sa kahusayan ni Cesar sa gitara.
May tatlong revivals ito, ang "All My Life", "Ikaw Pa Rin" at "Lumayo Ka Man".
Nakatakda siyang maging panauhin ni Juan Rodrigo sa concert nito, ngayong Oktubre 26 sa Joe-Kher kasama sina Cindy Rosas at Gen-3 Band.
Sa pelikulang Arayyy! ginagampanan nila ang roles ng mga call boys, mga estudyante who resort to selling their bodies sa maraming dahilan.
"Nakaka-believe yung iba sa kanila dahil kahit ganun ang ginagawa nila, mataas pa rin ang pagpapahalaga nila sa edukasyon," ani Leonardo.
Aminado naman si Rodel na mababa ang tingin niya sa mga ganitong klase ng tao pero, unti unti na niyang naiintindihan ang mga dahilan kung bakit nila ginagawa ito.
"Magaling magdala yung iba. Hindi mo mahahalata. At wise sila. Alam nila kung paano gamitin ng tama ang pera mula dito," kuwento niya.
Nung una ay naganyak akong patulan si Ben pero sa kalaunan ay nanaig din ang policy ko that if I have an ax to grind, dumidiretso ako sa tao. Hindi ko gagamitin ang aking dyaryo o kolum para bigyan ito ng liwanag. Di bale na lang na di ito lumiwanag. After all, people who matter to know the score ay kilala ako, wala na akong kailangan pang ipaliwanag. Pero, salamat kay Manay Letty, who gave her side and in so doing ay parang tinulungan na rin akong malinis, hindi man ng lubusan ang aking pangalan, sa hindi makatarungang ginawa sa akin ng isang tao na tinulungan ko dahil ako’y Kristiyano kahit hindi ko kaibigan.
I have a letter sa taong ito at sana magkaroon ako ng pagkakataon na maibigay ito sa kanya para kahit naman papaano ay magkaroon ng liwanag ang kanyang nadidimlang isipan. Salamat din Joey de Castro.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended