^

PSN Showbiz

Kulang sa leading ladies

-
Actually marami na rin ang nababawas sa listahan ng mga local leading ladies. Sina Ruffa Gutierrez (international star na yata), si Aiko Melendez (star na lang sa buhay ni Jomari), Gelli de Belen (pang Ariel na lang), si Carmina Villaroel (star na lang sa diyaryo at gossip TV shows), Anjanette Abayari (deported na), Sunshine Cruz (devoted wife na lang) at the biggest star of them all na si Sharon Cuneta the Megastar ay pregnant at aagawin pa yata ng Pasay politics.

Si ate Vi na may pelikula raw sa Star Cinema ay busy mayor, si ate Guy ay busy din sa pangangampanya sa Bicol, ganoon din si Elizabeth O. So ang mga pagpipilian na lamang nating mga sikat, medyo sikat, at may potensiyal na sumikat ay sina Judy Ann Santos, Vina Morales, Regine Velasquez, Ara Mina, Angelu de Leon, Jolina Magdangal, Claudine Barretto, Kristine Hermosa, Mylene Dizon, Janna Victoria, at raratsada raw si Pops Fernandez.

Puwede pa rin si G. Toengi at puwede rin si Charlene Gonzales. Pero siguro si Charlene mabubura na rin sa listahan ng mga bankable leading ladies at baka maging exclusive leading lady na lamang siya ni Aga Muhlach sa TV gaya ni Lucy Torres kay Richard Gomez. Well anyway, we still can count on the likes of Dina Bonnevie, Lorna Tolentino and Maricel Soriano who are still bankable,watchable and always a pleasure to see on screen in various roles. Buti na lang hindi naman sila nawawalan ng projects. Kaya lang napapansin ko lang ang bilis-bilis ng turnover ng mga artista sa pelikula ngayon. Kamakailan lang, wala kang mapanood kundi nasa cast si Izza Ignacio o si Rita Magdalena o si Ynez Veneracion. Ngayon kahit sa TV bibihira na silang makita.

AGA MUHLACH

AIKO MELENDEZ

ANJANETTE ABAYARI

ARA MINA

CARMINA VILLAROEL

CHARLENE GONZALES

CLAUDINE BARRETTO

DINA BONNEVIE

ELIZABETH O

IZZA IGNACIO

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with