^

PSN Showbiz

Halina may movie sa Regal

-
Ang bagong Halina ng Bayan na si Halina Perez ang napupusuan ni Direk Maryo delos Reyes na magbida para sa award winning project niyang Lumay which was originally intented for Ara Mina for Regal Films.

Under contract si Halina sa Leo Films kaya under negotiations pa ang lahat. At kung maayos, baka si Halina rin ang magbida para sa Xerex movie ni Direk Maryo J. pa rin.

"Sana nga makatrabaho ko rin si Direk Maryo. Nagkasama na kami sa TV, sa Kasangga, pero iba pa rin ang pelikula. And I really admire him as a director," nasabi na lang ni Ms. Perez.

Huwag naman daw sana silang intrigahin ni Ara kung sakaling matuloy na siya sa pelikulang Lumay. Ayon na rin kay Halina, isa rin siya sa humahanga kay Ara.

Anyway, ganito nga ka-hot si Halina na halos lahat ng producers ay nakapila para kunin ang kanyang serbisyo. Nauna na ang Millenium Cinema, sumunod ang Seiko Films at ilan pang independent film outfits.

May karapatan naman si Halina lalo pa’t fresh na fresh siya from the box-office success of her debut movie Alipin ng Tukso!

vuukle comment

ARA MINA

DIREK MARYO

DIREK MARYO J

HALINA

HALINA PEREZ

LEO FILMS

LUMAY

MILLENIUM CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with