Suntok sa BUWAN - Isa pang Richard ang daddy na!
October 17, 2000 | 12:00am
Ang magaling na singer na si Richard Reynoso ay isang ganap na ama na rin. Nanganak na ang misis niyang si Amor na isang stewardess sa pamamagitan ng caesarian operation sa Makati Medical Center noong October 2. Ang sanggol ay tumitimbang ng 6.2 lbs. at may sukat na 18.5 inches. Papangalanan nila itong Daniela Ysabel.
Inspirado ngayon sa kanyang trabaho si Richard dahil sa kanyang baby. Mas madalas na naiimbitahan kumanta sa abroad si Richard at may inaasikaso rin siyang negosyo sa bansa.
Nakita ko si Ace Espinosa nang minsang mag-guest siya sa Master Showman. Naitanong ko kung bakit hindi pa nasusundan ang panganay nila ni Maricel Morales na mag-iisang taon na.
Ayon sa aktor sa hirap ng buhay ngayon ay kailangang magplano silang mag-asawa tungkol sa pagkakaroon ng anak. "Tama na muna ang isang baby at abala naman kaming pareho sa trabaho. Nakakalungkot lang na puro supporting role ang naibibigay sa akin ngayon," aniya.
Mataba ngayon si Ace at hiyang sa pag-aasawa. Kahit pangsuporta lang ang mga papel na ginagampanan niya ay kuntento na rin siya dahil ikinakatwiran niya na hindi naman siya nawawalan ng proyekto.
Maganda ang review ni Steve Rhodes sa pelikulang Pornographer na tumatalakay sa sex. Kahit ang writer-director na si Doug Atchison’s ay nagsabi ring maganda itong pelikula kung ihahambing sa highly-acclaimed na Boogie Nights. "Even if it isn’t as funny as Boogie Nights, The Pornographer is much more genuine and touching," sabi ng direktor.
Naimbitahan ako ng masipag na talent coordinator na si Miko Cruz kasama ang mga kapatid sa hanapbuhay na sina Eugene Asis, Julie Fe Navarro, Dindo Balares at Obette Serrano para maglaro sa kanilang game show na ang premyo ay tumataginting na 115,000. Mabilis ang pacing ng programa kahit kalahating oras lang ito at naiiba ang palaro kung saan talagang nag-enjoy kami sa question & answer portion tungkol sa showbiz ng show host na si Nanette Inventor. Madadali naman ang tanong kaya lang dapat mabilis kang mag-buzzer para mauna sa pagsagot.
Nanalo si Eugene ng 14 inch colored TV at cash prized na 3,000 kung saan ang dalawang susing nakuha nito ay kumasya sa dalawang pinto na naglalaman ng iba’t ibang premyo. Bago magtapos ang programa ay ipinakikita ng host ang laman ng bawat pinto kaya walang halong daya.
Nang umalis kami sa taping ay may sumunod na dalawang batch na maglalaro at sinuwerteng nakuha ang cash prize na 130,000 ng ikatlong batch ng matatabang babae.
Kaya lang may puna ako sa unang itinanong ni Nanette tungkol kay Lolita Rodriguez. Kilala siya bilang magaling na dramatic actress noon. Ang tatlong pagpipilian tungkol sa kanya ay parang ganito: a. kontrabida b. ina ng pelikulang Tagalog at c. Philippine Movies gem.
Una akong nag-press ng buzzer at inaakala ko na ang pinakamalapit na sagot ay (c) pero mali ito ayon kay Nanette. Gusto ko sanang mag-protesta tungkol sa tamang sagot dahil naniniwala ako at mga nakausap na editor na hindi siya ina ng pelikulang Tagalog. Paging the researcher of the program.
Gayunpaman nag-enjoy naman kami sa game show na naiiba at balitang tumataas pa ang rating nito.
Ka-on daw ngayon ng sikat na singer actress ang isang t-bird matapos siyang makipaghiwalay sa isang sikat ding aktor na ngayon ay may asawa na.
Sumasama raw ang nasabing t-bird kahit saan magpunta ang singer/actress kaya walang makaporma dito at minsan na-caught in the act sila ng isang PA during shooting break.
Ang singer/actress na ito ay hindi gaanong sumikat pero nakagawa ng marami-rami na ring pelikula katambal ang mga sikat na aktor.
Inspirado ngayon sa kanyang trabaho si Richard dahil sa kanyang baby. Mas madalas na naiimbitahan kumanta sa abroad si Richard at may inaasikaso rin siyang negosyo sa bansa.
Ayon sa aktor sa hirap ng buhay ngayon ay kailangang magplano silang mag-asawa tungkol sa pagkakaroon ng anak. "Tama na muna ang isang baby at abala naman kaming pareho sa trabaho. Nakakalungkot lang na puro supporting role ang naibibigay sa akin ngayon," aniya.
Mataba ngayon si Ace at hiyang sa pag-aasawa. Kahit pangsuporta lang ang mga papel na ginagampanan niya ay kuntento na rin siya dahil ikinakatwiran niya na hindi naman siya nawawalan ng proyekto.
Nanalo si Eugene ng 14 inch colored TV at cash prized na 3,000 kung saan ang dalawang susing nakuha nito ay kumasya sa dalawang pinto na naglalaman ng iba’t ibang premyo. Bago magtapos ang programa ay ipinakikita ng host ang laman ng bawat pinto kaya walang halong daya.
Nang umalis kami sa taping ay may sumunod na dalawang batch na maglalaro at sinuwerteng nakuha ang cash prize na 130,000 ng ikatlong batch ng matatabang babae.
Kaya lang may puna ako sa unang itinanong ni Nanette tungkol kay Lolita Rodriguez. Kilala siya bilang magaling na dramatic actress noon. Ang tatlong pagpipilian tungkol sa kanya ay parang ganito: a. kontrabida b. ina ng pelikulang Tagalog at c. Philippine Movies gem.
Una akong nag-press ng buzzer at inaakala ko na ang pinakamalapit na sagot ay (c) pero mali ito ayon kay Nanette. Gusto ko sanang mag-protesta tungkol sa tamang sagot dahil naniniwala ako at mga nakausap na editor na hindi siya ina ng pelikulang Tagalog. Paging the researcher of the program.
Gayunpaman nag-enjoy naman kami sa game show na naiiba at balitang tumataas pa ang rating nito.
Sumasama raw ang nasabing t-bird kahit saan magpunta ang singer/actress kaya walang makaporma dito at minsan na-caught in the act sila ng isang PA during shooting break.
Ang singer/actress na ito ay hindi gaanong sumikat pero nakagawa ng marami-rami na ring pelikula katambal ang mga sikat na aktor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended