The Young CRITIC - X-rated tapes, big business sa US
October 16, 2000 | 12:00am
May nabasa akong ang sex, anumang klase nito, ay natural lang sa buhay ng tao pero ayon sa ating kultura at kultura ng ibat ibang society may mga paraan sa sex na hindi accepted sa maraming tao. Ang sabi naman ng iba, hindi lang accepted ang ilang forms of sexual activity dahil hindi naman available at kung available, okey na rin.
Mukha namang normal si Paul Ryan (Michael deGood) dito sa pelikulang The Pornographer, isang Solar Films release. Isa siyang abogado at ang buong araw niya ay ginugugol sa kanyang opisina. Pero sa gabi ang aliwan niya ay ang panonood ng sex tapes at ang pakikipag-date sa mga prostie. Suki nga siya ng mga strippers club pero hindi naman siya fulfilled sa mga relasyong ito. Gusto rin niya ang isang relasyong normal, sa isang normal na babae, yung magmamahal sa kanya ng tapat. Malas naman at lahat ng kanyang pagtatangka sa isang normal affair ay pumapalpak.
Medyo comedy pa nga ang pelikula dahil nang may makatagpo siyang babae sa park at maganda ang intensyon niyang maka-date ito sa Broadway play na Les Miserable ay sinugod siya ng tatay at kapatid nito dahil sa pag-aakalang isa siyang DOM. Isang counter girl naman ang nagustuhan niya pero hindi naman siya type. Kaya ang libangan na lamang niya ay I-tapes ang kanyang sexual encounters sa mga prostie na sinasabi niyang mas maganda at mas emosyonal ang dating sa mga commercial X-rated tapes na narerentahan.
Sumang-ayon naman si Spano (Craig Wasson) na isang producer at distributor ng mga tapes. Kinumbinsi nito si Paul na gumawa ng sex tapes pero kailangan bago at inosente at hindi prostie ang babae. At nakilala ni Paul si Kate, isang struggling actress na nakumbinsi niyang mag-audition sa isang sex video. Type niya si Kate at natipuhan na rin siya ni Kate, pero ang akala nito ay hindi pang-commercial ang tape nilang ginawa. Pero niloko si Paul ni Spano at balak na ibenta rin ang tape. nag-away sila ni Spano.
Nakonsensiya si Paul at gusto niyang bawiin ang tape. At sa pag-aagawan nila nito dumating ang mga bodyguards ni Spano. Binaril ni Paul ang guard pero si Kate ang tinamaan.
Naging tragedy ang pelikula. Namatay si Kate. Nakulong si Paul. Samantalang patuloy ang business ni Spano sa pagpapalabas at pagdi-distribute ng x-rated porno video.
Ano ang punto ng pelikula? Siguro, anything in excess is harmful. Kung may mga taong tulad ni Paul Ryan sa Amerika, hindi kataka-takang maging billion-dollar industry ang x-rated tapes sa Amerika na buong mundo na yata ang market.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended