^

PSN Showbiz

Suntok sa BUWAN - Action star may anak na pala

- Emy Abuan Bautista -
Pinalabas ng isang action star na binata pa siya at inili-link ngayon sa isa ring sikat na aktres. Pero ang totoo raw nito ay may anak na siya, katunayan ay ipinakikilala niyang pamangkin ang bata na kasama niya sa bahay at ang isa niyang tunay na anak ay nasa ina nito. Non-showbiz ang dating misis ng aktor.

Ano kaya ang masasabi ng pamilya ng aktres, na nililigawan ngayon ng aktor kapag nalamang may asawa na ang action star dahil boto pa naman sila dito dahil mabait at magalang pa.

In-demand ngayon sa paggawa ng pelikula ang action star na ito gayundin ang kanyang nililigawan na nanggaling sa angkan ng mga artista.
Vina, Gustong Magkaroon Ng Variety Show
Sa presscon ng Sagot Kita... Mula Ulo Hanggang Paa, matagal naming nainterbyu si Vina Morales. Sa edad niyang 25 ay sinabi niyang naiiwanan na siya ng mga kasabayang artista na may asawa’t mga anak na. "Ayokong tumandang dalaga kaya balak kong lumagay sa tahimik kapag 28 years old na ako. Abala ako ngayon sa aking career kaya hindi ko pa naiisipang magpakasal dahil wala akong time para sa aking pamilya. Enjoy naman ako sa pagiging dalaga," aniya.

Ano pa ang iba niyang pangarap sa buhay? "Gusto kong magkaroon ng sariling variety show–yong ala-Vilma Santos na ginagawa niya noon. Gusto kong maibahagi ang nalalaman ko sa pag-awit, pagsayaw at pagiging isang host. Mayroon naman akong Magandang Tanghali Bayan every Saturday kaya lang isa lang ang production number ko dito. Sana matupad yong wish ko," pahayag niya.

Tinanong din namin kung sino si Vina off camera. "Kapag galit ako, sinasarili ko na lang. Minsan sa sobrang galit ay umiiyak ako pero hindi ako marunong maghiganti. Naniniwala kasi ako sa karma. Kapag depressed ako ay nanonood na lang ako ng sine–yong komedi para maaliw ako. Pero ang sama ko ng loob ay hindi nagtatagal at lumilipas lang ito ng isang linggo.
Barbara, Aktibong Muli
Balik-pelikula na naman ang maganda at seksing si Barbara Millano kung saan isa siya sa leading lady ni Trovador Ramos sa Escort. Hindi naman pwedeng mabakante sa paggawa ng movie ang aktres dahil may talino siya sa pag-arte. Isa pa dedicated siya sa kanyang trabaho at walang reklamo sa set.

Maganda ang karma ni Barbara dahil tumutulong siya sa pagpapaaral ng nakababatang kapatid at mabait din sa kanyang magulang. Umaasa siya na sana’y mabigyan siya ng malaking break balang araw kasama ang malalaking action star na pangarap niya para maging kumpleto na ang kanyang career.

vuukle comment

AKO

AKTIBONG MULI

ANO

BARBARA MILLANO

GUSTONG MAGKAROON NG VARIETY SHOW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with