Vina, mabenta sa producers
October 13, 2000 | 12:00am
Suwerte nga ang mga artistang tulad nina Vina Morales dahil sunud-sunod pa rin ang movie projects niya kahit bagsak ang movie industry. Nakakatatlo o apat na yatang movie si Vina gaya nina Ara Mina, Judy Ann Santos, Angelu de Leon, Ina Raymundo, Lorna Tolentino na pawang may mga projects sa Millennium Cinema. Sinisikap talaga yata ng Millennium na isali ang lahat ng mga beauties with box-office sa kanilang mga action movies para makatulong na rin sa hatak ng mga action kings.
Nasa katauhan pa rin ni Vina ang lahat ng sangkap ng isang tunay na star na may popularidad at talent. She can sing and dance well, and she acts quite well too. Sinusundan ng mga fans ang bawat kilos at galaw niya sa romance at love department at inuusyoso pa rin ang kanyang private life at litung-lito ang lahat malaman kung sino ang boyfriend niya ngayon.
Hangang-hanga pa rin ako sa korte ng katawan ni Vina – very trim at payat with curves in the right places. Pero nabanggit niya na ang kanyang pangangatawan ay bunga talaga ng disiplina sa diet at exercise. Nagpapatotoo lang talaga na may determination at will power si Vina sa anumang gusto niyang makamit. Her activities keep Vina on the go dahil bukod sa mga movies, may regular television show siya at maraming personal appearances. At siyempre pa, si Vina lang ang isa sa mangilan-ngilan na mga box-office leading ladies na hindi pa sumasampa sa bold wagon upang manatili ang kasikatan. Wholesome pa rin ang dating ng former child star. (Ulat ni Jennifer Miranda)
Email: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended