Ano'ng naghihintay sa local showbis sa 2001 ?
October 13, 2000 | 12:00am
Kung inaakala ninyo na ang paksa ng pinag-uusapan ng mga entertainment writers at editors sa bawat press conference na kanilang pinupuntahan ay tungkol sa mga promo at publicity ng mga pelikula, diyan kayo mali. Dahil siguro sa patung-patong at sunud-sunod na mga political incidents na siyang nagpapalubog sa lagay ng ekonomiya, lalo pa nga ang movie industry, pinag-uusapan na rin sa mga gathering ng showbiz writers ang tungkol sa taas ng bilihin, ang pagtataas ng pamasahe sa jeepney at taksi, at ang katotohanang lahat ng mga pelikula ngayon ay mababa kaysa inaasahan ang kita sa takilya. Everyone is wondering what the year 2001 will bring kung mayroon pa raw mga malalaking press conference na idaraos para i-promote ang mga pelikula o baka magbawas na rin ang mga producers sa promo at publicity.
Ang sabi naman ng isang writer ay sobra na raw napakamahal ng mga ticket sa sinehan, over fifty pesos na ang bawat isang tao at yung pamilyang grupu-grupo kung manood ng sine tuwing weekend ay hindi na manonood at iniipon na lang ang pera para pambili ng bigas at ulam na mahal na rin ang presyo. (Ulat ni Jennifer Miranda)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended