The Young CRITIC - Jim Carrey, balik-laswa
October 13, 2000 | 12:00am
Pagkatapos ng matitinong pelikula na medyo pang-award ang akting at production tulad ng The Cable Guy, Truman Show at Man on the Moon, balik muli si Jim Carrey sa malaswang comedy kung saan siya nagkamit ng pansin at kasikatan dito sa pelikulang Me, Myself and Irene.
Ang talagang kagulat-gulat naman sa pelikulang Me, Myself and Irene ay hindi sa split personality ni Jim Carrey bilang Charlie at Hank sa iisang katawan kundi ang pagkakaroon ng kanyang karakter sa pelikula ng isang taksil na asawa at tatlong anak na pawang mga negro dahil sa buong panahon ng kanilang pagsasama, niloloko si Jim Carrey ng kanyang asawa.
Ang papel ni Carrey ay bilang isang state police officer sa Rhode Island na sobra ang bait kaya lagi naman siyang pinagsasamantalahan ng kanyang kapwa. Hanggang ma-develop sa kanyang katauhan ang isa pang personalidad si Hank na salbahe, matapang, walang modo at pumapatol kahit sa maliit na bata.
Ang kuwento ay naaresto ang isang babaeng may koneksyon sa mga kriminal sa New York at si Carrey syempre ang escort. Ang babae ay si Renee Zelwegger at ang dalawang personalidad ni Jim Carrey ay umibig sa nasabing babae. Syempre confused ang babae pero maaayos din ang lahat sa tulong ng mga kasamahang pulis at ang tatlong anak na negro ni Jim Carrey. May mga eksena at dialog na X-rated para sa akin pero PG-13 naman ang rating ng MTRCB.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended