^

PSN Showbiz

Lusot si Halina !

-
A star is born! Nakalusot ang "Halina ng Bayan" na si Halina Perez sa kanyang launching film na tumatabo sa takilya ngayon – ang Alipin ng Tukso. Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng Leo Films ang next project ng dalaga na may malaking bonus sa producer ng pelikula. Ang tentative title ng pelikulang gagawin niya ay Nena.

Maraming dahilan kung bakit tinangkilik ng publiko ang naturang pelikula. Una, bagong mukha at sariwa ang bida. Bagong personalidad at bagong iibigin. Sa katunayan nga, nang mag-theatre tour ang dalaga noong opening day ay dinumog siya hindi lamang ng mga kalalakihan, pati na rin ang mga kababaihan ay pinagkaguluhan siya.

Pangalawang dahilan naman ay dahil na rin sa pelikula. Hindi kasi nakakahiyang panoorin ito dahil may katuturan. May maiinit mang eksena rito ay bumagay naman sa istorya dahil kailangan ang mga ito.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit nag-hit ang Alipin ng Tukso dahil na rin sa masyadong nainip ang mga nag-aabang. Nanabik nang husto ang mga moviegoers kay Halina. Kaya naman, nanggigil sila at maaga pa lang ay pumila na sila sa mga sinehan noong opening day.

vuukle comment

BAYAN

HALINA

HALINA PEREZ

ISA

KAYA

LEO FILMS

TUKSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with