(Suntok Sa Buwan) - Waiter, napagkamalang reporter
October 8, 2000 | 12:00am
Kilalang ma-PR ang seksing aktres na ito. Halos lahat ng reporter ay hinahalikan kapag nakakasalubong. Beso rito beso roon ang kanyang ginagawa kilala man o hindi ang reporter.
Minsan ay dumalo ito sa isang malakihang showbiz affair kasama ang kanyang manager. Tulad ng dating gawi, bineso-beso niya ang bawat reporter na makita at nag-table hopping pa siya.
Habang patungo sa mesang kinauupuan nila ng manager ay nakita nito ang isang mamang nakangiti sa kanya. Lumapit siya rito at hinalikan din. Biglang nag-dialogue ang mataray na manager ng "Hindi mo ba kilala ang hinalikan mo? Waiter ’yon, gaga!" Waring napahiya ang seksing aktres at tumabi na ito sa kanyang manager.
Ang seksing aktres ay nagkaroon ng launching movie na sila rin ang prodyuser at balitang may asawang hapon na siya pero pilit pa rin niyang idini-deny. Naging kontrobersyal ang aktres nang maglayas sa kanilang bahay noon at nagsayaw sa isang club somewhere in Quezon City.
Tumawag si Elwood Perez sa isang kaibigang prodyuser at inaalok kung gusto niyang magkaroon ng project na tatampukan ni Nora Aunor. Maganda ang planong pelikula kung saan balak ding isama si Diether Ocampo. Nag-isip muna ang produ na si Wilson Tieng dahil ratsada ngayon ang kanyang mga foreign film. Katunayan ang Autumn in New York ay nasa ikaapat na linggo na ngayon ng pagpapalabas sa mga sinehan.
Nami-miss na rin ni Guy ang pelikula at matagal-tagal din bago nasundan ang huli niyang movie. Akala ko nga ay matutuloy ang Dakilang Ekstra na tatampukan niya under Sunlight Films na ididirek ni Ed Palmos pero malabo yatang matuloy. Balak pa naman ng kompanya na gawin nila itong pang-Metro Manila Film Festival entry.
Sa kabilang banda, tuluy-tuloy na ang pagtakbo ni Guy bilang gobernador ng Camarines Sur. Katatapos lang niyang mag-concert sa US at ngayon ay puspusan ang paghahanda niya para sa kanyang kandidatura.
Huli kong nakita si Jayson Martinez noong siya’y 14 years old lang na noon ay naanyayahan siyang umawit sa isang party. Dati siyang miyembro ng That’s Entertainment at kapanabayan ni Judy Ann Santos noong 13 years old pa lang siya dahil mahilig siyang magsayaw at kumanta. Noong nasa Letran pa, siya ang nagsisilbing choreographer ng klase kapag may programa sila. Miyembro rin siya ng choir kaya maganda ang boses.
Hindi naman nasayang ang pagod at pagsuporta ng kanyang ina dahil ngayon ay unti-unti na niyang nakakamit ang tagumpay bilang recording artist ng Ivory Records. Ang kanyang debut album na Jayson Martinez ay maganda ang benta dahil masang-masa ang mga nakapaloob sa album na karamihan ay kinompose ni Vehnee Saturno. May isa siyang komposisyon titled "I Don’t Believe You" at paborito rin ng mga DJ sa FM station ang carrier single na "May Kakaibang Kutob".
Ang maganda kay Jayson ay ang masigasig niyang pagpapatuloy ng pag-aaral kahit anong busy niya sa pagre-recording, mall tour o mga shows. Second year siya sa St. Benilde-De La Salle University sa kursong Information Services Management. Katulad din ito ng Business Management at kaya niya napiling tapusin ito ay dahil gusto niyang tulungan ang kanyang biyudang ina sa pagma-manage ng kanilang negosyo. Very close silang magkakapatid kaya kahit bata pa at maganda ang ina ay hindi na siya nagkaisip na mag-asawa dahil mahal na mahal ang mga anak.
Mahilig sa love song si Jayson at dahil may ibubuga talaga sa pag-awit ay maraming naniniwala na magiging matagumpay siyang balladeer balang araw. Bukod sa magaling ang manager na si Bernadette Halili ay suportado pa rin ng Ivory ang guwapong singer.
Minsan ay dumalo ito sa isang malakihang showbiz affair kasama ang kanyang manager. Tulad ng dating gawi, bineso-beso niya ang bawat reporter na makita at nag-table hopping pa siya.
Habang patungo sa mesang kinauupuan nila ng manager ay nakita nito ang isang mamang nakangiti sa kanya. Lumapit siya rito at hinalikan din. Biglang nag-dialogue ang mataray na manager ng "Hindi mo ba kilala ang hinalikan mo? Waiter ’yon, gaga!" Waring napahiya ang seksing aktres at tumabi na ito sa kanyang manager.
Ang seksing aktres ay nagkaroon ng launching movie na sila rin ang prodyuser at balitang may asawang hapon na siya pero pilit pa rin niyang idini-deny. Naging kontrobersyal ang aktres nang maglayas sa kanilang bahay noon at nagsayaw sa isang club somewhere in Quezon City.
Nami-miss na rin ni Guy ang pelikula at matagal-tagal din bago nasundan ang huli niyang movie. Akala ko nga ay matutuloy ang Dakilang Ekstra na tatampukan niya under Sunlight Films na ididirek ni Ed Palmos pero malabo yatang matuloy. Balak pa naman ng kompanya na gawin nila itong pang-Metro Manila Film Festival entry.
Sa kabilang banda, tuluy-tuloy na ang pagtakbo ni Guy bilang gobernador ng Camarines Sur. Katatapos lang niyang mag-concert sa US at ngayon ay puspusan ang paghahanda niya para sa kanyang kandidatura.
Hindi naman nasayang ang pagod at pagsuporta ng kanyang ina dahil ngayon ay unti-unti na niyang nakakamit ang tagumpay bilang recording artist ng Ivory Records. Ang kanyang debut album na Jayson Martinez ay maganda ang benta dahil masang-masa ang mga nakapaloob sa album na karamihan ay kinompose ni Vehnee Saturno. May isa siyang komposisyon titled "I Don’t Believe You" at paborito rin ng mga DJ sa FM station ang carrier single na "May Kakaibang Kutob".
Ang maganda kay Jayson ay ang masigasig niyang pagpapatuloy ng pag-aaral kahit anong busy niya sa pagre-recording, mall tour o mga shows. Second year siya sa St. Benilde-De La Salle University sa kursong Information Services Management. Katulad din ito ng Business Management at kaya niya napiling tapusin ito ay dahil gusto niyang tulungan ang kanyang biyudang ina sa pagma-manage ng kanilang negosyo. Very close silang magkakapatid kaya kahit bata pa at maganda ang ina ay hindi na siya nagkaisip na mag-asawa dahil mahal na mahal ang mga anak.
Mahilig sa love song si Jayson at dahil may ibubuga talaga sa pag-awit ay maraming naniniwala na magiging matagumpay siyang balladeer balang araw. Bukod sa magaling ang manager na si Bernadette Halili ay suportado pa rin ng Ivory ang guwapong singer.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am