Highest paid model na, nag-bold pa
October 7, 2000 | 12:00am
Kung may international celebrity na puwedeng tawaging tunay na "ST ng Bayan", isa na sa kanila ang super gandang si Claudia Schiffer. Sikat talaga at seksi siya. . . siya na ngayo’y itinuturing na isa sa highest paid supermodels sa buong mundo. Sa unang pagkakataon, nag-bold siya sa nakakagigil na pelikulang Friends & Lovers.
Unang nakilala at pinantasya ng kalalakihan sa napakaseksi niyang ads ng Guess? Si Claudia ay isinilang noong ika-25 ng Agosto sa Dusseldorf, Germany. Sa kanyang paglaki ay nangarap siyang maging abogado tulad ng kanyang ama. Pero, biglang naglaho iyon nang siya’y madiskubre ng isang modeling agent habang siya’y nagsasayaw sa isang klab.
Kasama ang mga konserbatibong mga magulang, si Claudia ay nagpunta ng Paris at kaagad na na-cover sa Elle magazine. Naging star siya overnight kumbaga dahil ang daming alok na dumating para siya’y mai-cover din ng ibang magazines hindi lang sa buong Europe kundi maging sa U.S. man. Sumunod dito ay ang pag-model niya sa Guess ? na lalong nagpasikat sa kanya at naging dahilan upang siya’y makalabas din sa telebisyon at pelikula.
Sa taas na 5’11'’ ay may blondeng buhok at mapang-akit na mga mata, si Claudia ay naging cover na ng mahigit sa 500 magazines at ang kanyang taunang kalendaryo ay palaging bestseller. Itinayo niya ang Fashion Café kasama ang iba pang sikat na supermodels tulad nina Naomi Campbell, Elle MacPherson at Christy Turlington. Mayroon na rin siyang exercise video na mabiling-mabili din.
May kontrata sa Revlon cosmetics na nagkakahalaga ng $6 milyon, si Claudia ay mahilig sa pagpinta, pagbabasa, paglalaro ng tennis, pangangabayo at skiing. Sanay magsalita ng English, German at French, inaambisyon din niyang maging mahusay na aktres at magkaroon ng sariling pamilya sa malapit na hinaharap.
Sa Friends & Lovers ay sinusuportahan si Claudia nina Robert Downey, Jr., Stephen Baldwin at ang ilan sa hottest young stars ngayon sa Hollywood. Ang nasabing movie ay release dito sa atin ng Solar Films.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended