^

PSN Showbiz

Maraming movies na pang-filmfest ang hindi ginagawa - (The Young Critic)

- Ni Jennifer Miranda -
May nag-comment na sa 33 pelikulang nasa listahan ng possible entries sa susunod na Metro Manila Film Festival, one third daw ay matagal nang tapos at inihahanap na lang ng playdate, one third daw ay nasa isipan pa lang ng mga producer na nagbabakasaling humabol pa sa deadline, at one third siguro ang nagpi-finishing touches at seryosong aabot sa holiday screening time.

Ayon sa balita, sa middle of October pa ang umpisa ng Death Row ng GMA Films to be directed by Joel Lamangan dahil hindi pa tapos ang bida sa pelikula na si Eddie Garcia sa kanyang directorial assignment na Abakada Ina ng Viva Films starring Lorna Tolentino na sinasabing pang-MMFF entry din. Baka maging paspasan ang pasok ng GMA Films sa 2000 MMFF at ito ang kataka-taka dahil ang GMA Films ay famous for their meticulous, pang world class film presentation tulad ng Rizal at Muro Ami na parehong box-office top grosser at critically acclaimed Tagalog movies. Puwedeng sabihing quickie by their standards ang dating ng Death Row kung talagang hanggang ngayon ay hindi pa nasisimulan ang shooting. Taon kasi ang binibilang kapag gumawa ng pelikula ang GMA kaya naman kapansin-pansin talaga. Batay sa rekord ng GMA sa paggawa ng pelikula, baka hindi sapat ang dalawang buwan para makalikha sila ng isang matinong movie na kanilang maipagmamalaki gaya ng mga nakaraan nilang releases. At baka hindi sila umabot sa playdate ng MMFF at kung magkagayon, tiyak may isa nang slot sa MMFF na mapag-aagawan ng mga small independent producers.

Balita ring hindi tinanggap ni Maricel Soriano ang Meme na Bunso na si Romy Suzara ang magdi-direk kaya sinubukang ipalit si Nora Aunor pero the Superstar is serious in her political bid. Ang ibig sabihin nito ay hindi na natin masisilayan ang superstar sa pelikula hanggang hindi siya gobernadora ng Camarines Sur? Balita ko rin na ang project na pang-filmfest na Batang Westside na pagbibidahan ni Yul Servo na talent ni Maryo delos Reyes ay pending. To be directed sana ito ni Lav Diaz pero parang kulang pa yata ang mga producer o namumuhunan sa pelikula.
Manny Villarfilmbio,malabo
Dahil siguro sa mga batikos na inabot ni House Speaker Manny Villar dahil sa kanyang mga ST infomercials sa telebisyon, ang mga planong biofilm tungkol sa buhay at pag-ibig niya -- actually a moving rags to riches story — ng Congress leader ay shelved na pansamantala. Alam kong nagplano rin ng biofilm ang ilang political figures tulad nina Senator Johnny Ponce Enrile atbp. May announcement na noon si Carlo Caparas tungkol sa pelikula ni Ramon Mitra at Obet Pagdanganan?

Nakatulong daw ng malaki ang biofilm na Iginuhit ng Tadhana sa pagiging presidente ni Marcos. Mayroon ding ipinalabas na biofilm si President Diosdado Macapagal. Noong araw daw may mga Hollywood producers na nagplanong gawin ang Ninoy Aquino story, pero hindi natuloy. Nagkaroon din ng announcement na may bagong Marcos movie sa Hollywood at si Jennifer Lopez ang magiging Imelda Marcos at nakipag-usap na raw si Imelda sa mga producers na dumating dito pero hindi rin ito natuloy.

May iba namang pelikulang may political theme din tulad ng Eskapo na tungkol sa buhay nina Eugenio Lopez Jr. at Sergio Osmeña III noong panahon ng martial law. Ilan sa mga local actress na pumapel bilang Imelda Marcos ay sina Tessie Tomas, Teresa Loyzaga at Gloria Romero.
*****
Email:[email protected]

ABAKADA INA

BATANG WESTSIDE

CAMARINES SUR

DEATH ROW

IMELDA MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with