^

PSN Showbiz

Young actress, puntirya ng singer-comedian - (Suntok Sa Buwan)

- Emy Abuan Bautista -
Magkasama ang sikat na singer-comedian at magandang singer/actress sa isang show sa telebisyon. Kahit may asawa na ang komedyante na isa ring magaling na aktor ay mahilig pa rin ito sa magagandang babae. May pagka-palikero ika nga kaya naman sumasama si misis na mataray kapag may show ang komedyante sa abroad. Minsan nang na-link ang singer-comedian sa isa ring sikat na singer na muntik nang maging dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa.

Na-patch-up naman ang unang banta ng kanilang paghihiwalay. Ngayon ay apple of the eyes ng singer na komedyante ang kasamang young actress sa show. Lagi siyang sweet at caring sa aktres. Lagi siyang nakatitig sa young actress at sinabing crush na crush niya ito. Minsan ay nagbiro ang singer-comedian ng "Ano kaya at ligawan kita?" Pero dedma lang ang young actress. Masaya ang pamilya ng singer-comedian at ayaw niyang maging homewrecker. Ang married comedian/singer ay kilala sa pagiging takot sa asawa at may isa silang anak. Ang young actress naman ay alaga ng isang TV station.
PRISCILLA, DI TYPE SI CARRILLO!
Sa isang pakikipag-usap kay Priscilla Almeda, tinanong ko siya kung ano ang naging reaksyon niya sa paghalik sa kanyang paa ni Fernando Carrillo nang interbyuhin niya ang Venezuelan actor. "Kinilig din ako pero type ko pa rin ang mga Pinoy. Para sa akin mas guwapo pa rin ang mga kababayan natin," aniya.

Siguro kaya nasabi ni Priscilla na type na type niya ang mga Pinoy ay dahil sa namumuong relasyon nila ni John-John Osmeña na nakilala niya noon sa isang bar sa Makati hanggang sa niligawan siya. Ayon sa aktres, hindi mahirap mahalin si John dahil cute siya, malakas ang karisma at malambing ayon pa sa aktres. Kasalukuyang board member ng Cebu si John at baka kumandidato ding vice-governor o governor.

Kinumusta ko rin sa seksing aktres kung tuloy na ba ang movie nilang Batang Westside na gagawin pa sa Amerika kung saan makakatambal niya si Yul Servo. "Binubuo pa nila ang pera, Tita dahil nais naming bayaran kami in full payment bago lumipad patungong Tate," aniya.

Habang hindi pa naipalalabas ang Syota ng Bayan, abala naman si Priscilla sa mga TV appearances at out-of-town shows. Mainstay pa rin siya ng Subic Bay.

Hindi niya malilimutan ang recent guesting niya sa Maalaala Mo Kaya kung saan deglamorized ang role niya bilang magsasaka. Pinaitim pa siya para magmukhang magbubukid.
ISYU KINA AMY AT MARVIN, AYAW NG BF NI AMY
Imbyerna si Amy Perez dahil sa tsismis na may relasyon sila ni Marvin Agustin. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga balita. Hindi lang siya ang naaapektuhan ng tsismis kundi gayundin ang kanyang boyfriend. Hindi na kasi maganda ang nagiging dating nito kung saan nagkasanga-sanga na ang mga balita. Sa halip na biruan lang ang dating ng tsismis ay nagkaroon ito ng kulay kaya pati ang mga mahal niya sa buhay ay nagtatanong na rin kung totoo nga ang balita.

Masaya ngayon si Amy sa piling ng bagong nobyo kaya inaasahang magiging tahimik na ang kanyang lovelife. Ayon sa aktres kaibigan niya si Marvin at bukod doon ay wala talaga silang relasyon.
BUNEVACZ, PAKAKASAL NA KAY JESSICA, DI PA BREAK KAY AJ!
Bigla akong naawa kay Anjanette Abayari dahil wala pa pala silang pormal break-up ni David Bunevacz ay bigla-biglang magpapakasal na sila ng nobyang si Jessica Rodriguez. Bago pala tumulak patungong Los Angeles galing ng Guam ay nag-propose ito ng marriage sa seksing aktres at sinabing bigyan siya ng pagkakataong makapag-isip tungkol sa inaalok sa kanya.

Pero sa isang TV interview kay David ay sinabi nitong never siyang nag-propose ng marriage sa aktres at ginawa lang niya ito kay Jessica. Isa pa, pinalalabas pa niyang naghiwalay na sila ni AJ gayung lagi naman silang nag-uusap sa overseas call. Ginawa pa nitong sinungaling si Anjanette.
PREMIERE NIGHT NG MMG
Naging successful ang ginawang premiere night ng MMG Films para sa pelikulang Ipinanganak Na Ang Taong Papatay Sa Iyo na tinatampukan nina Ronald Gan at Beth Tamayo. Punumpuno ng mga tao ang SM Southmall kung saan naging bisita sina Roi Vinzon, Beth Tamayo, Angge, Angelika Jones, Jojo Alejar, Jojo Abellana, Ladine Roxas at marami pang iba.

Nagsalita si Evelyn Mateo na siyang prodyuser tungkol sa kahalagahan ng pagsuporta sa mga independent companies para patuloy pang sumigla ang movie industry. Tuluy-tuloy ang pagpoprodyus ng pelikula at TV shows ng MMG para marami pa silang matulungang talents.

Naiiba ang pelikulang Ipinanganak Na Ang Taong Papatay Sa Iyo dahil maganda ang istorya nito at kahit action movie ay may puso naman ito na hinaluan pa ng komedi. Tiyak na hahangaan muli si Ronald sa mga makabagong style niya sa martial arts kung saan isa siyang streetfighter. Kasama pa rin sa pelikula sina Bob Soler, Brando Legaspi, Patrick Ervie, Ervin Mateo at Jimmy Santos sa direksyon ni Roland Ledesma. Kasalukuyan na itong ipinalalabas sa inyong mga paboritong sinehan.

AKTRES

BETH TAMAYO

CENTER

IPINANGANAK NA ANG TAONG PAPATAY SA IYO

KUNG

NIYA

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with