Disservice kay Digong
Ang mga kilos protesta, “no remittance week” at iba pang indignation rallies ng mga supporters ni dating President Rodrigo Duterte ay masama ang epektong ibubunga sa kaso niyang crimes against humanity.
Sana ay makapag-isip silang mabuti.
May petisyon ang legal team ng dating Presidente para sa kanyang interim release o pansamantalang paglaya habang siya’y nililitis ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Pero minsan na diumanong naggawad ng interim release ang ICC sa isang world leader pero pinagpapatay nito ang mga testigo.
Sa loob at labas ng Pilipinas, nagdaraos ang maraming Pinoy na nananalig kay Duterte na kumukuwestyon sa awtoridad ng ICC na litisin ang dating Presidente.
Kitang-kita at hindi maikakaila na kahit tatlong taon nang wala sa puwesto, makamandag at impluwensyal pa rin si Duterte.
Iyan ang pangamba ng ICC. Baka kung nasa laya ay gamitin ni Duterte ang impluwensiya at salapi upang manipulahin ang mga saksi at ebidensiya.
Kaya sa tingin ko, mabuting iwasan na lang ng mga pro-Duterte ang paglahok sa mga kilos-protestang pabor sa dating Presidente.
Malamang na kung gagawa ng ebalwasyon ang ICC sa petisyon para sa interim release, gawing basehan ang nakikita nilang kapangyarihan ng dating Presidente sa mga idinaraos na protest actions.
- Latest