SGA pinagulong ang UAE sa Dubai Cup
MANILA, Philippines — Malakas ang simula ng Strong Group Athletics (SGA) nang pabagsakin nito ang United Arab Emirates (UAE), 99-91, upang masiguro ang pambuenamanong panalo sa 34th Dubai International Basketball Championship na ginaganap sa Al Nasr Club sa Dubai, UAE.
Nanguna sa kampanya ng SGA sina NBA veterans Chris McCullough at DeMarcus Cousins para dalhin ang kanilang tropa sa 1-0 rekord.
Nagtala si McCullough, ang 2024 William Jones Cup Most Valuable Player, ng 28 points mula sa 10-of-17 shooting clip, habang nagdagdag naman si Cousins ng 24 markers, 4 reboudns at 4 assists.
“We’re still in the process of familiarizing ourselves as a team, but we’ve been through this before and will become more cohesive as the tournament progresses,” wika ni SGA head coach Charles Tiu matapos ang alro.
Malaki rin ang kontribusyon ni dating NBA gunner Malachi Richardson na umiskor ng 21 points, habang naglista si Rhenz Abando ng 13 marker.
“I’m glad our imports stepped up today, and we’ll make sure our locals are ready to deliver in the next game,” ani Tiu.
Nanguna para sa UAE si naturalized player DeMarco Dickerson na umiskor ng 25 points kasama si Qais Alshabebi na nagrehistro ng 23 markers.
Target ng SGA na masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa nito sa Al Nasr sa ala-1 ng madaling araw Linggo (oras sa Maynila).
- Latest