Hiyasmin (117)
“Okey lang ba, Sir Dax na dumikit sa’yo?’’ tanong ni Hiyasmin.
“Oo naman. Sige dumikit ka sa akin at aakbayan kita. Para maging makatotohanan na magsiyota tayo.’’
Dumikit si Hiyasmin. Umakbay si Dax.
Maya-maya nakita nilang papalapit na sa kanilang mesa si Rez.
Nakita sila.
“Hi Hiyasmin!’’
“Hi!’’
“Naghahanap ako ng mauupuan,’’ sabi ni Rez na hindi makatingin kay Dax.
“Siyanga pala, Rez, boyfriend ko,’’ sabay turo ni Hiyasmin kay Dax.
“Good evening Sir!’’
Tumango lang si Dax.
“Sige Hiyasmin, maghahanap ako ng upuan,” sabi ni Rez at umalis na hindi tumitingin kay Dax.
Nang makalayo si Rez ay nagtawa si Dax.
“Hindi makatingin sa akin. Akala yata lalamunin ko.’’
“Oo nga Sir Dax. Parang natakot sa’yo!”
“Pero pinanindigan niya na mas matanda talaga ako sa’yo—sir ang tawag sa akin, ha-ha-ha!
(Itutuloy)
- Latest