^

Krema

Parekoy

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makasagot si Lino sa tanong ni Ping. Naguguluhan siya. Masyadong mabilis yata ang mga pangyayari.

‘‘Ano Parekoy? Nang bigyan mo ng Toblerone si Sarah ay biglang nagpa-cute kanina, napansin mo. Kumakagat!’’

“Baka naman may siyota na yun, Parekoy?’’

“Wala! Siyempre alam ko dahil ako ang taga-rito. Kaibigan ng sister ko yun.’’

“Mukha namang mabait ano, Parekoy.”

“Oo. Mabait yun pagtulog, he-he! Dyok lang. Mabait si Sarah at may pinag-aralan. Tapos ng kolehiyo. Mabuti naman ang pamilya nila.’’

“Saan siya rito, Parekoy?’’

“Sa kabilang barangay sila.’’

‘‘Madalas ba siyang nagpupunta rito?’’

“Dati. Ngayon  na lang uli nagpunta dahil ang alam ko nag-aaplay ng trabaho sa Maynila yan.’’

‘‘A.’’

“Pero may itsura siya ano, Parekoy? Makinis at mamula-mula ang kutis. Hindi nga lang katangkaran pero okey na.’’

“Oo, Parekoy. At mukhang masayahin ano?’’

“Oo. Ano, Parekoy, ligawan mo na. Talagang nakikita ko na kakagat na si Sarah. Puntahan natin sa kanila. Sabihin mo lang.’’

‘‘Teka Parekoy...’’

‘‘Bakit?’’

‘‘Mahina talaga ang boladas ko. Baka mabulol ako kapag kaharap si Sarah.’’

“Hindi mo naman kaila-ngang magsalita. Pakiramdam ko, gusto ka ni Sarah at ang mga nagkakagustuhan e wala nang salitaan.’’

“Baka naman sobra lang tayong tiwala na may gusto sa akin pero sa totoo lang e wala pala

“Ay sus! Maniwala ka sa akin, nakita ko sa mga mata ni Sarah na may gusto sa’yo.’’

‘‘Baka naman dahil binigyan ko ng Toblerone kaya biglang nagkagusto.’’

“Ay naku! Sige kung ayaw mo e di bahala ka. Tatanda kang binata na tulad ko. Sayang ang karakas mo, Parekoy.’’ (Itutuloy)

TOBLERONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with