^

Krema

Krema (81)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANO po ‘yun?’’ Tanong ni Lex sa babae at lalaki na nasa harap ng bahay.

“Magtatanong lang po, Sir,” sabi ng babae. “Kilala n’yo po ba si Mang Mon?’’

“A tiyuhin ko siya. Pero patay na siya. Mag-aanim na buwan na.’’

“Ah ganun po ba?’’

“Bakit po? Ano ba ang kailangan n’yo kay Tiyo Mon.’’

“Mga negosyante po kami. Maaari ka po ba na-ming abalahin na makausap kahit sandali lang.’’

Sandaling nag-isip si Lex. Hindi naman muk­hang masasamang tao ang dalawa. Mga mukhang negosyante nga.

“A sige po sandali lang,’’ sabi niya at  mabilis na pumanaog.

Binuksan niya ang tarangkahan at pinapasok ang dalawa.

“Ako po si Dang at itong kasama ko ay si Paulo.’’

“Ako naman si Lex. Halikayo sa loob.’’

“Huwag na Lex. Gaya ng aking nasabi, mga negos­yante kami at naghahanap ng mabibiling niyog, mani, saging. May nakapagsabi sa amin na si Mang Mon daw ang may malaking taniman ng niyog at saging at iba pa rito sa Villareal. Kaya lang patay na pala siya. Kukunin sana namin ang mga saging at niyog niya. Kahit mahal walang problema. Kukunin mismo rito at wala ka nang problema sa pagkuha sa puno. Kami na ang gagawa.’’

Nag-isip si Lex. Mukhang okey ito. Wala na siyang problema. Pera na agad.

“Ano Lex payag ka?’’

“A pag-iisipan ko muna. Bumalik kayo sa isang linggo.’’

“Okey sige babalik kami. Sana pumayag ka. Marami pa kaming kukunin dito.’’

“Sige pagbalik n’yo m­a-la­laman n’yo ang sagot ko.’’

“Sige Lex.’’

Umalis na ang dalawa.

Nag-iisip si Lex.

(Itutuloy)

LEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with