^

Punto Mo

Mayang (197)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HINDI ko pinansin ang pagpatak ng ulan sa aking likod. Hanggang sa lumakas nang lumakas. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Ang luha ko ay humalo sa ulan. Basang-basa na ako. Pero balewala sa akin. Kahit magkasakit ako, hindi ako natatakot. Mabuti ngang magkasakit at mamatay para magkasama na kami ni Encar sa kabilang buhay. Mabuti ngang sumunod na ako kay Encar para hindi ko na maramdaman ang sakit ng kanyang pagkawala.

“Kung mawawala na ako, magkakapiling na kami ni Encar at siguro lalo na kaming magiging masaya. Sa langit namin ipagpapatuloy ang hindi natapos dito sa lupa. Baka wala na kaming maramdamang hirap sa langit at pawang ligaya.

“Lalo pang lumakas ang ulan. Kumidlat at kumulog pa. Pero hindi ako natinag. Nanatili akong nasa harap ng nitso ni Encar. Hanggang sa maramdaman ko na lamang na unti-unti akong pinapanawan ng lakas. Nawawalan ng lakas ang aking binti.

“Hanggang sa tuluyan na akong bumagsak sa mismong tabi ng nitso ni Encar.

“Hindi ko na alam ang mga sumunod pa.

Hanggang sa magising ako. Nasa bahay na ako. Ang mag-asawang Raul at Lily ang nagdala rito sa akin. Sinundan pala ako ng mag-asawa sa sementeryo at nakitang nakasubsob ako sa lupa.” (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->