Dapat alam mo
• Kapag binalatan ang mansanas bago kainin, ito ang nawawala: 50 percent ng total fiber, at 30 percent ng vitamin C.
• Magbaon ng baby powder kapag pupunta sa beach. Ito ang ibudbod sa paang nadikitan ng buhangin. Magiging mabilis ang pagpagpag ng buhangin dahil sa baby powder.
• Kung may honey bee na dumapo sa iyo, hipan lang ito para lumayo. May tendency itong mangagat kung ito ay hahampasin pero hindi naman masasapol.
• Upang maiwasang maglagay ng maraming asukal sa kape: Higupin muna ito nang walang asukal. Kung titikman ang kape na walang asukal, kaunti lang na asukal ang kakailanganin mo dahil nagsimula ka sa walang tamis.
• Hindi lang gamot at masustansiyang pagkain ang nagpapagaling sa maysakit, malaki rin ang naitutulong ng pagdadasal. Ito ang napatunayan ng mga researcher ng Harvard University. Mas mabilis daw gumaling ang pasyenteng nakaranas i-pray over ng kanyang church mates kaysa pasyenteng walang nag-pray over.
• Pinuprotektahan ng potassium ang ating ugat na mabarahan ng “fats” mula sa mga pagkaing masebo. Kaya kumain ng mayaman sa potassium: kamote, kamatis, beans, yogurt, clams, prunes, carrot juice, molasses, isda, soybeans, melon, saging, gatas, orange juice, etc.
- Latest