^

Punto Mo

‘Anting’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Kapag sumasapit ang Mahal na Araw, lagi kong naaalala ang karanasan na nangyari sa akin noong ako ay binatilyo pa lamang. Sixty five years old na ako ngayon. Nangyari ang karanasan kong ito noong 1975 na kaga-graduate ng high school.

Tuwing Mahal na Araw, ako at ang aking mga kaibigan na sina Larry at Totoy ay naghahanap ng anting sa Bundok Putol. Ang Bundok Putol ay balitang-balita na nagluluwal ng anting lalo na kung Biyernes Santo.

Ayon sa aking Lolo Amboy, nakapulot daw siya ng anting sa Bundok Putol. Nakapulot daw siya ng triangle na tanso sa ilalim ng punong dapdap. Ang triangle na tanso ayon kay Lolo ay mabisang pananggalang sa kaaway. Pinuprotektahan ang may hawak ng anting na tinawag ni Lolo na Triyanggulo.

Ayon kay Lolo, epektibo ang anting na triyanggulo sapagkat walang nagtangka sa kanyang kumursunada noong nagtatrabaho siya sa isang kompanya ng bus bilang mekaniko. Kapag daw may umaastang nambu-bully sa kanya ay hinihimas niya ang anting na triyanggulo at agad na tumitiklop ang nambu-bully.

Namatay si Lolo Amboy noong 1974 na hindi naming nalaman kung kanino pinasa ang anting na triyanggulo. Nanghinayang ako at nasabi na sana’y sa akin na lamang pinasa.

Mula noon, lalo pa akong naging masigasig na makapulot din ng anting sa Bundok Putol. Pinangarap kong makapulot din ng anting na triyanggulo na kagaya ng kay Lolo Amboy

(Itutuloy)

ANTING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->