^

Punto Mo

Mayang (188)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“Tuwing Linggo ay nagsisimba kami ni Encar. Walang palya yun. Maaga pa lamang ay bumabangon na kami para sa alas sais na misa. Magkatabi kaming nakaluhod. Nasa unahang upuan kami. Sa simbahan ding iyon kami ikinasal. Luma na ang simbahan na itinayo pa raw noong panahon ng mga Kastila. Dahil nag-iisa ang simbahang iyon sa bayan, puno lagi ng mga nagsisimba.

“Pagkatapos naming magsimba ay sa plasa kami pupunta. Nasa likod iyon ng simbahan. Malawak ang plasa na may malalaking puno ng akasya at narra. Sa lilim ng akasya ay may mga upuang konkreto. Dun kami uupo ni Encar at magkukuwentuhan.

“Marami ring tao ang nagpupunta sa plasa. Dinadala ang kanilang mga anak at doon naglalaro. May mga bata na nagsisimula pa lamang maglakad ang dinadala roon para magpraktis humakbang. Nakakatuwang pagmasdan ang mga bata na bago pa lamang lumalakad. May mga bumabagsak dahil hindi pa matatag ang mga binti.

“Minsan, napansin ni Encar na titig na titig ako sa batang lalaki na humahakbang paunti-unti. Bumabagsak pero tatayo uli. Napapangiti ako sa gina­gawa ng bata.

“Sabi sa akin ni Encar, mas lalo raw sana akong ma­saya kung mayroon kaming anak. Nagsori sa akin dahil hindi niya ako mabigyan ng anak. Niyakap ko siya at muling inulit na mas mahalaga siya sa akin at hindi anak. Siya ang kabuuan ng buhay ko. Kahit wala kaming anak, mananatili ang walang hanggang pag-ibig ko sa kanya.

“Sabi pa niya, bakit daw hindi kami mag-ampon ng bata. Sagot ko, huwag na dahil maligaya rin naman kami kahit walang bata. At sabi ko pa, baka maging problema lamang pagdating ng panahon kapag nag-ampon.

“Nang sabihin ko iyon ay hindi na siya nagpumilit pa at nagsalita na may kaugnayan sa pag-aampon ng bata.

“Naunawaan na niya ako—na hindi mahalaga sa akin ang anak—at siya lamang ay sapat na sa akin.

“Mahigpit na yumakap sa akin si Encar.”

(Itutuloy)

ENCAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with