^

Punto Mo

Mayang (185)

Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“LOLO Nado di ba nabanggit mo sa akin na marami kayong pag-­aaring lupa noon sa Socorro?’’ tanong ni Mayang.

“Oo, Mayang. Nakakalungkot lang na naibenta pakonti-konti hanggang sa tuluyan na kaming mawalan ng lupa. Pero nangyari iyon nito na lang mamatay si Encar dahil sa nagastos sa pagpapagamot sa kanya. Yung namana kong lupa ay pinagbili ko—sabi ko—kahit walang matira sa akin ay okey lamang basta’t maipagpagamot ko sa aking asawa.’’
“Pero nauwi rin po sa wala ang lahat, Lolo?’’ tanong ni Mayang.

“Oo. Namatay din ang aking asawang si Encar.”

“Dahil din po sa pangya­yaring iyon kaya ikaw ang naging caretaker ng aming lupa, Lolo?’’

“Oo Mayang. Napakabait kasi ng itay at inay mo. Nakiusap ako sa kanila na ako na ang magtatanim sa bukid n’yo at hindi nila ako binigo. Napakabuti ng mga magulang mo, Mayang.’’
“Kaya po pala sa lumang bahay ka nina Mayang nakatira noon Lolo?’’ tanong ni Jeff.

“Oo. Dun mo ako unang nakita di ba Jeff?”

“Opo Lolo. Pinagsilbihan mo ako kahit nun lang tayo nagkakilala.”

“Kasi’y nabasa ko sa mukha mo na mabuti kang tao.”

“Salamat po.’’

“Teka, itutuloy ko ang kuwento namin ni Encar. Marami pang masasayang kuwento.”

“Sige po Lolo.”

“Napakasaya ng aming buhay sa bukid. Para kaming mga bata na naghahabulan sa parang. Sabi ko noon, sana hindi na matapos ang masasayang araw…” (Itutuloy)

MAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with