^

Punto Mo

Mayang (184)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BAGAMAT bahagyang nalungkot­ si Lolo Nado nang maalala ang pagpanaw ng mahal na kabiyak, ipinagpatuloy pa rin nito ang pagkukuwento sa masasayang sandali ng kahapon nila ni Lola Encar.

Sa kabila raw na hindi sila bini­yayaan ng anak, naging maligaya pa rin sila. Hindi raw naging hadlang iyon para magbago ang pagtitinginan nila sa isa’t isa.

Lalo pa nga raw naging matamis ang kanilang pagmamahalan. Para raw lagi silang bagong kasal na naghaharutan. Napakasaya raw nila.

“Naalala ko pa na madalas kaming maligo sa Ilog ng Pola. Napakaganda kasi ng ilog. Napakalinaw ng tubig.

“Kapag nakatapos kaming magtrabaho sa bukid ay yayayain ko si Encar para maligo kami sa ilog. Marami ring naliligo sa ilog lalo na kapag tag-araw. Masarap magbabad sa tubig.

“Minsan pa nga nagbabaon kami ng pagkain ni Encar at dun kami kumakain sa ilog—parang picnic. Ang saya namin. Naghahabulan kami sa tubig. Para kaming mga bata na nagsasabuyan.

“Pagkatapos maglunoy sa malamig na tubig ay aahon kami at saka kakain. Masarap kumain dahil ang aming baon ay nakabalot sa dahon ng saging. Ang ulam namin ay daing na galunggong. Naggagayat ng mangga si Encar at lalagyan ng bagoong alamang. Ang sarap. Busog na busog kami!”

Aliw na aliw sina Mayang at Jeff sa kuwento ni Lolo Nado. Talagang mahal nila ang isa’t isa.

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->