^

Punto Mo

EDITORYAL - ‘Ghost students’ di pa tinututukan ng DepEd

Pang-masa
EDITORYAL - �Ghost students� di pa tinututukan ng DepEd

BATBAT ng problema ang Department of Education (DepEd). Unang-una na ang kakulangan sa mga silid-aralan sa pampublikong paraalan, kakulangan ng mga guro, mababang sahod ng mga guro, walang sapat na pasilidad at marami pang suliranin na sa loob nang matagal na panahon ay hindi pa nasosolusyunan.

Ngayong 2025, inaasahang may mga susulpot pang mga problema sa DepEd lalo’t nabawasan ang kanilang annual budget. Ang orihinal na hinihingi ng DepEd para sa taon na ito ay P748 billion subalit ang ina­prubahan ng Congress ay P737 billion. Malaki ang nabawas. Kung sino pa ang departamento na nangangaila­ngan nang malaking pondo para mapaunlad ang edukasyon at hindi maging kulelat ang mga estudyanteng Pilipino ay ito pa ang kinaltasan. Mas pinrayoridad pa ang pagbibigay nang malaking budget sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na laganap ang korapsiyon. Kinukuwestiyon sa Supreme Court ang malaking share ng General Appropriations Act (GAA) sa DPWH. 

Bagamat ang DepEd ay tila kinawawa sa pamamahagi ng taunang budget, hindi rin naman maitatatwa na marami ring nangyayaring anomalya sa nasabing departamento. Nagpapatunay na maraming tanggapan ang hindi ligtas sa katiwalian.

Subalit ang isang malaking problema na lumutang sa DepEd ay ang anomalya sa senior high school (SHS) voucher program. Ayon sa report, P52 milyon ang napunta sa “ghost students” na nakaenrol sa 12 pribadong eskuwelahan. Ayon pa sa report, walang mga estudyante na nakaenrol sa mga private schools.

Ang anomalya ay inihayag mismo ni DepEd Secretary Sonny Angara. Napag-alaman ni Angara na 1,474,702 senior high school ang nakaenrol para sa school year 2023-2024, ang panahon na nadiskubre ang “ghost students”. Nagsimula ang SHS voucher noong SY 2016-2017.

Nangako si Angara na sa lalong madaling panahon ay matutuklasan ang anomalya sa SHS voucher program at mananagot ang nasa likod nito. Ayon kay Angara, sinisiyasat na ang mga personnel at school officials­ na nag-facilitate sa SHS voucher program.

Tutukan at halukayin na ang anomalyang ito para lumantad ang katotohanan. Kapag hindi natukoy ang nasa likod nito, maaapektuhan ang programa at ang kawawa ay mga estudyanteng nangangailangan ng ayuda para makapag-aral. Iprayoridad sana ito bago ang pagbubukas ng school year 2025-2026. Maha­lagang malaman ang nasa likod ng anomalya.

DEPED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->