Gen. Maranan, handa na sa May elections!
MAGSISIMULA na ang campaign period ng local candidates sa Marso 28 kaya pinaigting ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang seguridad sa Pinas, lalo na sa Mindanao kung saan maraming ambuscades ang nangyayari nitong nagdaang mga araw.
Nasa record naman ng pulisya na itong banggaan ng mga pulitiko sa local na munisipalidad ang palaging madugo, lalo sa mga area pang panay magkamag-anak o magka-kadugo pa ang tumatakbo. Mismooo!
Subalit naiiba ang sitwasyon sa Central Visayas dahil sa maaga pa lang ay inihain na ni PRO7 director Brig. Gen. Red Maranan ang kanyang mga programa para magiging matahimik at mapayapa ang darating na May midterm elections.
Winalis ni Maranan ang mga gun-for-hire syndicates at itinodo ang kampanya laban sa loose firearms kaya’t kampante s’yang bababa, hindi lang ang crime rate sa Central Visayas, kundi maging ang shooting incidents. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ayon sa report ni Maranan, umabot sa anim na gun-for-hire syndicates, na may 20 lider at miyembro ang kanilang na-neutralize mula ng maupo ito sa puwesto nitong Enero. Isang member ang nadedo sa engkuwentro. At ang latest na inaresto ay sina Requerod Ambrad Durano, Crispin Aloba Desabilie at Tony Raya Ronald Caranoo.
Nakorner sila ng mga operatiba ng Regional Special Project Unit 7 at Regional Mobile Force Batallion 7 sa isang buy bust operation nitong Marso 21 sa Barangay Suba, Danao City. Ayon kay Maranan, buwan din ang inabot ng intel gathering at surveillance operation ng kanyang mga tauhan para lang maitapon sa likod ng rehas na bakal ang tatlong suspects.
Nakumpiska sa kanila ang tatlong kalibre 45 pistol, isang assembled KG9 machine pistol at isang unassembled Black Widow .9mm pistol. Sanamagan! Kung sabagay umaabot na sa 877 loose firearms ang nasa custody ng Central Visayas police dahil sa kanilang checkpoint operations, kasama ang Comelec. E di wow!
“This successful operation is part of our intensified campaign to dismantle illegal firearms networks and prevent weapons from falling into the wrong hands. We will not stop until all individuals involved are held accountable,” ani Maranan.
Kaya naman nasabi ito ni Maranan dahil ang mga nakumpiskang baril mga kosa ay galing sa kuwadra ni Roquerod Durano Sr., ang dating barangay councilor ng Bgy. Suba, Danao City na ang negosyo ay backyard na baril. Paltik ba ang tawag dun? Kaya iniutos ni Maranan ang manhunt operation laban kay Durano Sr., dahil hindi lang sa Cebu at ibang parte ng Central Visayas ang kanyang mga suki, kundi sa buong Pinas. Dipugaaa!
Kapag nabuwag pala ang negosyo ni Durano Sr., malaking ambag ito sa katahimikan ng May elections, at maging sa peace and order ng Pinas, di ba mga kosa? Tumpak! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs
Parte naman sa darating na elections, walang lugar sa Cebu ang binabantayan si Maranan dahil green ang probinsiya, ayon sa talaan ng Comelec. Ang concern lang ni Maranan ay ang probinsiya ni ex-Rep. Arnolfo Teves, kung saan dalawa sa 27 bayan nito ay hotly contested.
Subalit may tiwala naman si Maranan sa kakayanin ang sitwasyon ni Negros Oriental PD Col. Ronan Claravall. Dipugaaaaa! Mukhang wala ng kakayahan na maghasik ng kaguluhan sa Negros Oriental si Teves, na kasalukuyang nakakulong pa sa Timor Leste. Anong sey n’yo mga kosa? Abangan!
- Latest