Paano mapananatiling healthy ang vocal chords?
ANG mga pagkaing mainam para manatiling healthy ang vocal chords ng mga singers, titser, pastor, TV host, TV and radio broadcaster at iba pang propesyon na ang trabaho ay pagsasalita sa publiko nang matagal na oras sa araw-araw:
• Ang sikreto para manatiling maganda ang boses ay hindi dapat pababayaang matuyo ang lalamunan. Bukod sa pag-inom ng sapat na tubig araw-araw, dapat isali sa diet ang pagkaing “matubig” para manatiling “hydrated” ang katawan: Buko juice, pakwan, melon, mangga, strawberry, saging, ubas, pinya, citrus fruits, broccoli, talong, pipino, repolyo, cauliflower, letsugas, carrots, petsay, kamatis, zucchini at marami pang iba.
• Kumain ng pagkaing mayaman sa vitamin A kagaya ng itlog, laman ng karne, dark green and leafy vegetables, prutas at gulay na kulay orange at dilaw, atay ng baka, at lamb, mackerel, salmon, bluefin tuna, bayabas. Pinapanatiling malusog ng vitamin A ang mga soft tissues at mucous membranes na matatagpuan sa lalamunan.
• Iwasan ang mga inuming may caffeine dahil nakakatuyo ito ng lalamunan. Hindi rin maganda sa boses ang milk and milk products kagaya ng yogurt, cheese, ice cream, at butter. Nagpo-produce ang mga ito ng plema sa lalamunan. Kung hindi maiiwasang kumain, at least, huwag kakain ng mga nabanggit ilang araw bago ang performance o speaking engagement.
- Latest