Mayang (173)
“NAGPATULOY si Cynthia sa pagtatapat ng mga nangyari sa kanila ni Manuel ng gabing iyon na silang dalawa na lamang ang nasa apartment. Inanyayahan niya si Manuel dahil birthday niya. Isang masarap na alak daw ang inilabas ni Cynthia. Tumanggi raw uminom si Manuel dahil hindi naman talaga ito umiinom ng alak. Pero sa kapipilit daw ni Cynthia, napapayag si Manuel—uminom ito ng alak. Hanggang sa sunud-sunod daw na tinakalan ni Cynthia ng alak. Hanggang malasing si Manuel. Hindi na raw halos makagulapay si Manuel sa kalasingan. Pero sa kabila niyon ay nagpipilit daw umalis si Manuel dahil mayroon daw siyang pangako kay Mam Araceli. Magkikita raw sila ng araw na iyon. Pero hindi siya pinayagang makaalis ni Cynthia.
“Hindi ko pinayagang umalis si Manuel. Sabi ko sa kanya, delikadong umalis dahil lasing siya at isa pa, gabi na. Dinala ko si Manuel sa bedroom at inihiga sa kama. Hinubaran ko siya. May malay pa si Manuel nang hinubaran ko pero dahil maraming nainom, hindi na nagawang makatutol sa ginagawa ko.
“Hinalikan ko si Manuel sa labi, sa dibdib, tiyan at humantong doon. Natangay si Manuel sa aking ginawa at sa kabila na nasa kapangyarihan ng espiritu ng alak, nagawa niyang lumaban sa ginagawa ko.
“Tuluyan ko nang hinubad ang natitirang saplot sa aking katawan at nagsanib ang katawan namin ni Manuel. Nag-aalab sa init ang aming mga katawan. Kapwa naging mabangis. Hanggang angkinin ako ni Manuel.
“Pagkatapos ay napangiti ako nang napakatamis. Akin na si Manuel. Nagtagumpay ako.
“Kinabukasan, sinabi ko kay Manuel ang nangyari. Hindi siya makapagsalita.”
(Itutuloy)
- Latest