Home remedies
1. Mainam ang pagkain ng roasted buto ng kalabasa para sa mga may “enlarge prostate”.
2. Para maging normal ang “flow” ng menstruation—kumain ng green papaya, ‘yung inilalagay sa tinola. O, kaya, ‘yung papayang medyo nahihinog pa lang at isinasawsaw sa suka.
3. Para sa sobrang lakas “duguin” kapag may menstruation—kumain ng nilagang bulaklak ng saging pagkatapos ay uminom ng isang basong gatas.
4. Para matanggal ang stretch mark—araw-araw pahiran ang affected area ng pinaghalong vitamin E oil or cream at cocoa butter.
5. Pahiran ng olive oil ang gilagid ng sanggol kapag nagsisimula na itong tubuan ng ngipin. Nakakaginhawa ito sa nangangati niyang gilagid.
6. Constipation—uminom ng prune juice o kumain ng sariwang kamatis na isinawsaw sa asin. Mas effective kung kakain o iinom nang walang laman ang tiyan. Pansamantalang iwasan muna ang pagkain ng saging.
7. Panic attack o nerbiyos—nakatutulong ang pag-inom ng vitamin B complex; iwasan o bawasan ang pagkain na mayaman sa carbohydrate; huwag gumamit ng refined sugar (puting asukal). Makabubuting gumamit ng honey or muscovado sugar. Iwasan ang kape at iba pang inuming mataas ang caffeine.
- Latest