^

Punto Mo

‘Labaha’ (Part 12)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA pagkakatingin ko sa laminated na larawan ni Itay ay nakadama ako ng takot—nakatitig din sa akin si Itay! Para bang sinasabi sa akin na mali ang gagawin kong pagnanakaw sa labaha. Hindi ko raw dapat gawin iyon. Bumalik na raw ako sa kuwarto at ipagpatuloy ang pagtulog. Kalimutan ko na raw ang binabalak.

Para akong nahipnotismo habang nakatingin sa retrato ni Itay. Maya-maya humakbang ako patungo sa kuwarto. Nahiga. Madali akong nakatulog.

Kinabukasan, ang una kong tiningnan ay ang laminated na larawan ni Itay. Ganun na lamang ang pagtataka ko sapagkat ang larawan ay nakasabit na sa dingding sa salas.

Paano nangyari iyon? Kagabi ay nasa ibabaw ng cabinet ang larawan.

Hindi kaya isinabit ni Inay sa salas?

Pinuntahan ko si Inay sa kusina.

“Inay, ikaw ba ang nagsabit ng picture ni Itay sa salas?”

Lumingon si Inay. ­Nagtataka ang ekspresyon ng mukha.

“Matagal nang nakasabit sa salas yun! Bakit?’’

“E kasi nakita ko kagabi na nakapatong sa cabinet ang picture.”

“Paano mangyayari yun e wala namang nag-aalis sa picture.’’

Hindi na ako nagsalita pa.

Pero nagtataka talaga ako.

Nangyari kaya iyon para hindi ko na ituloy ang balak na pagnakaw sa labaha?

Gumawa ng ­paraan si Itay para hindi ako ­makagawa nang hindi tama.

(Itutuloy)

FATHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->